-TASIO'S PoV-"Pak, aalis na ako!" sigaw ko kay Pak mula rito sa labas ng kuweba.
"Sige mag-iingat ka ha!" sagot din niya habang kinakampay ang kanyang kayumangging mga pak pak papasok sa kuweba.
Bahagya akong tumingala habang iniaangat ang aking sarili hanggang sa hindi na sumasayad ang aking mga paa sa lupa habang unti-unti akong pumapaibabaw. Iniihip ng hangin ang mahaba at kayumanggi kong kasuotan, inayos ko ang telang tumatakip sa ulo ko dahil muntikan itong matanggal.
Patungo ako sa Heavelania. Isang kahariang nakalutang sa langit. Ako si Tasio, at isa akong mangkukulam, ito'y namana ko sa aking ina. Limang buwan ako nang mamatay siya dahil sa mga kalabang noon pa nais pabagsakin ang kahariang pinagsisilbihan ko.
Dalawampu't isang taong gulang na ako subalit hanggang ngayo'y hindi ko pa rin nakikilala ang aking ama. Magmula no'n, ang lola ko na ang nag-aruga sa akin subalit sampung taon ako nang siya'y mamatay dahil sa katandaan. Binilin niya ko kay Pak na isang paniki...Sila, sila nalang ang aking pamilya. At ang kuwebang pinagmulan ko ngayon, ang aming tahanan.
Patuloy parin ako sa pag-angat pero ako'y natigilan nang makita ko ang bilog na bilog na buwan na halos abot ko na, kay ganda nito. Napakaganda.
Nagpatuloy nalang ako sa pag-angat, katapat kasi ng kuweba namin ang kaharian, kaya ang gagawin ko nalang ay lumipad paakyat, hanggang sa makarating ako sa kaharian ng Heavelania. Hindi ako maaaring mahuli lalo na't ngayo'y kaarawan ng Prinsepeng Doluis (A/N: Pronounciation - DO-LU-IS).
Naiingit ako minsan sa kanya dahil sa isang bagay...mayroon siyang ama. Ang ipinagtataka ko lang eh kung bakit magkatulad ang aming balat na hugis kalapati sa batok (birth mark).. Kahit na magkatulad kami ng balat ay natatakot akong ipakita ito sa kahit kanino dahil ipinagbawal yaon sakin ng Haring Doroles.
Natatakot akong mawalan ng trabaho kaya ito, siya'y dapat sundin. Mutasatso ng prinsepe, 'yan ang trabaho ko.
Nakarating na din ako, agad naman akong pumasok sa palasyo. Tss... Nahuli na ako ng kakaunti, bwis*t.
"Tasio dalian mo! Kanina pa kita hinahanap. Ang prinsepe hindi dapat pinaghihintay!" sigaw niya sakin ng makita niya 'kong papasok at saka niya 'ko sinipa na siyang nakapagpatumba sa akin.
"Hahaha! Galing mo Doluis!" bigkas ng mga kaibigan niya. Bumangon nalang ako habang pinipigil ang mga naiipon ko ng galit.
May oras ka rin Doluis. Makikita mo ang bangis ng isang mangkukulam.
BINABASA MO ANG
Tasio'ng Mangkukulam
FantasíaTelt Asian... Lugal na kapag napuntahan mo'y kailangan mong mag-ingat ng mabuti, dahil kaunting lihis lang ng landas na iyong tinatahak, hindi mo alam kung masisilayan mo pa ang susunod na isang segundo ng iyong hinaharap. P...