Telt...
....Lugar na kapag napuntahan mo'y kailangan mong mag-ingat ng mabuti, dahil kaunting lihis lang ng landas na iyong tinatahak, hindi mo alam kung masisilayan mo pa ang susunod na isang segundo ng iyong hinaharap. Pero humayo ka r...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
-JASMINE'S PoV-
Hindi ito maaari. Hindi, hindi ako dapat pumayag. Waah! Paano na kami ni Tasio diba? Pero seryoso, kailangan kong lumaban! Alam ko hari siya pero, bahala na.
"Hindi naman po 'ata tama na ipakasal ako sa inyong anak MAHAL NA HARI! Hindi ko 'yon gagawin! Hindi mo ko ALILA!" sabi ko nang may diin ang ibang salita. Tinignan niya lang ako na tila wala lang sa kanya ang mga sinabi ko.
*lunok la--*
HINDI! Hindi ako dapat matakot sa kanya. Makikita niya. Nakakainis siya, feeler! Ano 'to pa arrange marriage effect? Duh!
"Bakit hindi? Huwag ka nang mag-inarte apo ni Iya'y. Kapag naging reyna ka na, mapapasayo ang malaking karangyaan!"
"Hindi 'PO' ako 'BAYARAN' mahal na 'HARI'! Kuntento na ko sa mga bagay na meron ako because I don't need your d*mn treasure you pervert king! And fo--"
"Kuntento? Hahahahahaha! Huwag kang magpatawa! Ang pagiging Iya'y ang isa sa mga pinakamababang trabaho sa isang kaharian! Ngayon sasabihin mo saking 'KUNTENTO' ka na apo ng 'IYA'Y'?" arrggh, nakakainis ang pagmumukha ng Doroles na ito! Gustong-gusto ko nang tusukin ang mga mata niya.
"At isa pa pala apo ng Iya'y, hawak kita dahil isa ka sa mga 'SAKOP' ko!" saad niya tsaka ngumiti ng ngiting aso. Gusto mo ng sample. Puwes sasampulan kita ng ugali ko pag galit na 'ko.
"HAHAHAHAHA!" tawa ko at siniguro kong malakas na malakas pa iyan. Style ko 'yan para kunwari 'di ako apektado kaya 'di ako galit. Tignan natin. 'HARI' ka pala ha!
"Sakop? Ako? Ahahahahaha!" dagdag ko na nagpakunot ng noo niya.
"Nalilimutan mo na 'atang iba ang mundo ko sa mundo ninyong lahat. Sa amin, 'ORDINARYO' kalang at hindi uso sa amin ang 'HARI'! Sa totoo nga kapag sinabi mo 'yan sa aking mundo, mapagkakamalan kapang baliw. At puwepwede kitang kasuhan dahil meron akong karapatan, sa mundo ko, 'GINAGALANG' namin ang lahat para'GALANGIN' ka rin! HARI YOUR UGLY FACE!" 'di ko na napigilan at napasigaw na ko sa galit pero ngumiti lang uli siya.
Inilapit n'ya ang mukha niya sa mukha ko pagkatapos ay tinignan niya ko sa mata tapos sa labi. Sasampalin ko na sana siya ngunit 'di na ako makagalaw.
"Baka nakakalimutan mong may kapangyarihan ako. Hawak na kita ngayon, tignan mo nga ni hindi mo na maigalaw ang daliri mo," tsaka siya ngumiti ng nakakaloko. Pigil ko ang aking hininga dahil kung hindi'y maaamoy ko na ang hininga niya.
Sh*t maiiyak na 'ko sa galit, gustong-gusto ko na siyang patayin! Inilapit niya ang mukha niya sa aking taenga tsaka bumulong.
"Huwag ka nang manlaban dahil hawak na kit--" hindi na n'ya naituloy ang sasabihin niya dahil bigla nalang siyang tumilapon ng tamaan siya ng puting ilaw at nahulog mula dito sa balkonahe ng palasyo. Pagkatapos ay nakita ko ang kamay ni lola Binida na nakatutok sa kanya.