-DOVEIA's PoV-
Pinabalik ko ang aking mga pakpak patago sa aking likod at tsaka gumulong sa lupa at tsaka pinutol ang ulo ng isang tutubi gamit ang talim sa katawan ng pana kong Tangkawan. Pinatubo ko ang pakpak ko at lumipad pabangon at winasak ang katawan ng isa pang tutubi gamit ang lupang mahika ko tsaka ko iniwasan ang lumilipad na matutulis na yelo ni lolo Tonyo na pumapatay naman sa iba pang tutubi.
"Ang dami, hindi po yata sila nauubos," turan ko kay lolo Tonyo na ikinumpas ang kamay at isang yelo na kasing talim ng espada ang biglang lumitaw at humiwa sa mga tutubi. Biglang dumilim ulit dahil sa pagkawala ng apoy na gawa ni Kuya Nhero at narinig ko ang isang pamilyar na ngumunguyang mga tunog. Ang mga Briguda.
Ngumiti naman ako kay lolo Tonyo ng magkatinginan kami. Siguradong kanyang ipagmamalaki ang anak. At lumipat lugal na ako papasok ng palasyo at patakbong pumunta sa tabi ng ama sa kanyang trono. Maraming mga bangkay ang nandirito. At marami din ang nangagsisiiyakan.
Dumating naman si Kuya Brosiyus at Kuya Nhero kasama si ina at si Jasmine.
Pabalik-balik naman si ama pero biglang napatigil nang makitang dumating ang ina. Sunod na pumasok ay ang Iya'y at si lolo Tonyo. Tsaka may Oliviang tumubo at lumabas doon ang mga magulang ni Jasmine at ilang mga kawal. Sunod ay si Myrna at ang ina nito.
Dumapo naman sa balikat ko si Dovero at si Rat rat ay paakyat na gumagapang sa paa ni lolo Tonyo hanggang nasa balikat na niya ito.
"Maghanda ang lahat. Kunin ang metal na kasuutan, ihanda ang lahat ng sandata't mahika. May tatlong oras tayo para gawin 'yon. Susugurin natin ang mga kalaban. Tatapusin natin ang lahat ng ito ngayong araw. Sobra na." lahat ay napatingin sa malamig na turan ni ama. Pati na rin ako.
"Lalaban tayo sa ngalan ng ating Telt Asian!"
At binalot siya ng nagniningning na gintong usok at nawala kaya agad na kaming kumilos. Ito na, ang pinangangambahan kong digmaan.
-JASMINE's PoV-
Hinila agad ako ni Myrna kasama ni tita Alicia at Nhero patungo sa kitchen ng palasyo.
"Best! Look at these!" kinikilig niyang patiling sabi. Tinignan ko naman ang mga bagay na color pink at blue na nasa malaking lamesa.
Kumunot naman ang mga noo ko tsaka nagloading pa.
"Ouch!" reklamo ko kay Ecia kasi tinuka niya 'ko. Nag chirp naman siya na katunog ng ano daw? 'Eraser?' tapos natapos na ang loading ng utak ko.
"Wow! Best! Lasers?!" sigaw ko. Lumapad naman ang ngiti niya. "Wow! Ang dami nito!" tsaka kumuha ako ng isa at pipindutin--
"Ouch! Huhu!" tapos nung tinignan ko siya eh naka poker birdy face na siya.
"That's the best way we thought to help on this war. We made it." sabi naman ni tita Alicia. Napabigkas nalang ako ng mga paghanga sa kanila ni Myrna at siyempre humingi ng isa. Hihi!
BINABASA MO ANG
Tasio'ng Mangkukulam
FantasiaTelt Asian... Lugal na kapag napuntahan mo'y kailangan mong mag-ingat ng mabuti, dahil kaunting lihis lang ng landas na iyong tinatahak, hindi mo alam kung masisilayan mo pa ang susunod na isang segundo ng iyong hinaharap. P...