Chapter 26 - Tala

265 12 7
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.







Sa isang bahay malapit sa dagat, may dalawang mag-asawang hindi alam ang naganap sa kaharian. Mahimbing ang kanilang pagtulog dahil sa musikang binibigay ng mga alon.

"Etch..." bulong ng isang tinig.

"Bumangon ka Etch..." napadilat ang ginang... Siya ang asawa ni Mikey. Bumangon siya ng hindi napapansin ng tulog niyang asawa.

"Panahon na..." patuloy na bulong ng isang nilalang. Nilibot ng ginang ang paningin pero wala siyang makita. Lumabas siya ng bahay at dun niya napansin ang ganda ng puting buwan.

"Etch..." hinanap niya ang pinanggagalingan ng boses pero wala talaga siyang mahagilap.

Ngunit, mula sa malayo ay may nakita siyang itim na usok. Mabilis na lumalapit sa kanya.

Tatakbo siya, pero hindi siya makakilos. Nadama nalang niyang pumasok sa katawan niya ang usok at napahiga siya sa buhangin.

Idinilat niya ang kanyang mata at palutang siyang bumangon.

"Maligayang pagbabalik..." bulong pa rin ng tinig.

"Nagbalik na 'ko." bulong din ng ginang. Ngumiti siya. Alam niyang buhay ng muli ang pinagkakatiwalaang alagad ni Eruck.

"Epepepep!" sigaw niya at kagaya ng usok ay bigla rin siyang naglaho.

-DOROLES' PoV-

Ano'ng nagawa ko? Ano'ng ginawa ko? Nagpatira ako ng anak ng kaaway sa aking kaharian.

May...May anak akong mangkukulam. Anong nagawa ko ng nakaraang gabi? Pinabayaan ko ang aking mga nasasakupan. Ang tanga ko. Wala akong kwenta. Hindi ko alam ang gagawin. Ibinunggo ko ang ulo ko sa ding ding ng aking silid. Pinapatay ako ng aking konsensya.

"Doroles, anak." napatunghay ako at agad na lumingon sa aking likod. Nagimbal ako sa aking nakita. Imposible, matagal na siyang p-patay.

"Ama?" ngumiti siya.

"Patawad ama, patawad. Marupok ako, hindi ako nararapat sa tronong ito." tsaka ako lumuhod sa harap ng aking ama. Itinayo niya naman ako habang hawak ang magkabila kong balikat.

"Nararapat ka anak. Hindi ka pipiliin ng Tala kung hindi ka nararapat sa tronong ito." may pumatak mula sa mga mata ko habang kausap ang ama.

"Anak, ngayong nagbalik na siya kailangan mong iligtas ang iyong mga sakop."

"Papano ko gagawin iyon ama? Malakas siya, malakas si Eruck." ngumiti lang siya sa sinabi 'ko.

"Buksan mo ang Telt Asian." napakunot ako ng noo. Papaano ko gagawin 'yon?

"At anak, hanapin mo ang ating tagapagmana. Nanganganib siya." sabi niya ng hindi nawawala ang mga ngiti. Marami pa akong gustong itanong sa kanya. Kailangan ko pa siya. Ngunit... Bigla akong napadilat.

Tasio'ng MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon