Chapter 30 - Pangalan ng Kamatayan

330 13 5
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


-JASMINE's PoV-

May dumapo naman na higante at puting dove. Si Dovero. At nasa pagitan ng dalawang paa niya ang walang malay na si Doveia.

"Gu Dabru!" sigaw ni Yaya na hinahabol ng mga bampira. Nagtago naman siya sa ilalim ni Dovero at humiga sa tabi ni Doveia habang ang mga bampirang humahabol sa kanya'y tinutuka ni Dovero. Ang kaninang puting feathers ni Dovero ay puro na dugo ngayon.

Pero, biglang may malalaki at mga umaapoy na hayop na tumulong kay Dovero. Mga nag-aapoy na leon at tigre. Wow! Ang galing! Nagmumula ito sa kanila ni Nhero at Ellius. Kino-combine nila ang mga mahika nila!

Bigla ding may tutubong mga strange na halaman sa lupa na gumagalaw at pumapatay sa mga bampira.

May narinig naman akong parang naputol na mga tali kaya napalingon ako. Ang mga alay, biglang gumalaw. Halata mong lifeless na ang mga ito pero parang mga puppet sila na may tali.

-R.BLUE's TURN-

Pahirap na ng pahirap ang paglalaban nila. Mula sa malayo ay makikita ang dalawang nilalang, mga babae, ngunit iisa ang mga mukha. Sina Rahalia, at Binida.

Ang buong damit pati buhok ni Rahalia ay pula na na nagliliwanag. Kasing pula ng buwan. Samantalang ang kay Binida ay puti.

"Ako, ako ang unang nakilala niya, pero ano? Ikaw, inagaw mo siya Binida." galit na sigaw ni Rahalia sa kakambal. Galit siya sa kakambal, galit na sobra pa sa inaakala mong galit. "Pareho lang naman tayo ng mukha, bakit ikaw?" at nagsalubong ang mga mahika nila. Puti, at pulang liwanag. Malalakas ang mga ito. Pero pareha lamang ang lakas nila, kaya walang epekto ang mga mahika nila sa isa't - isa.

Naglabas ng kutsilyo si Rahalia. Ang kutsilyong may pampatulog na ginamit niya noong unang lusob.

"Ako ang mahal niya Rahalia! Ako ang mahal ng asawa ko. At ang bunga nun ay ang anak ko."

"Anak? Hahaha! Anak na hanggang ngayon, hindi ko alam ang pangalan dahil sa hindi mo maibibigkas, kawawang Binida!" at inihagis niya ang kutsilyo na tumalsik lang gawa ng mahika ni Binida.

"Nanahimik ako, at tanging ang kaibigan kong si Rosolina ang nakikinig sa aking mga daing." madamdaming wika ni Rahalia, madamdamin ngunit nababalutan ng poot at pagkamuhi. Mas mababagsik na mahika ang kanilang pinakawalan na walang sino mang nagtangkang lumapit dito sapagkat alam nila ang resulta kapag nadamay sila... Kamatayan.

"Kinamumuhian kita Binida," at kapwa lumakas pa lalo ang mga liwanag mula sa kanila. "Ngunit... Ngunit mahal pa rin kita bilang isang kapatid." saad ni Rahalia.

Biglang humina kapwa ang kanilang mga mahika. Lukso ng dugo, 'yon lang ang alam nila.

"Mahal din kita Rahalia. Aking kapatid," naluluhang saad ni Binida. Biglang nawala ang mga mahika nila, bumalik din sa dati ang mga kulay ng kanilang damit at buhok.

Tasio'ng MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon