Chapter 3 - Simulan ang Paghahanap

949 28 2
                                    

-TASIO's PoV-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


-TASIO's PoV-

"Tasio, sigurado ka bang ipapakuha mo sa kanila ang lahat ng sampung sangkap na iyon?" tanong ni Pak habang nakadapo sa aking balikat.

"Depende sa mga susunod na mga magaganap," sagot ko naman saka pinagpatuloy ang aking pagtahi sa manikang itim. Naalala ko naman ang pagpunta dito ng Nhero kagabi.

Hindi na kami ligtas sa kuwebang ito. Napatayo naman ako dahil sa isiping 'yon at tsaka ko itinago ang manikang kakatapos ko palang tahiin sa loob ng aking damit.

"Mga paniki, Pak, magsihanda kayo. Kailangan na nating... Lumipat ng tirahan."

.....

-JASMINE'S PoV-

"Tell me when will you be mine,

Tell me quando quando quando..."

"Wooh! Yeah! Tell me quando quando quando! Wooh!" sigaw ko habang winawasiwas ang buhok ko.

Celebration ko 'to dahil katatapos lang nang aming final exam at kapag natapos na ang mga clearance tsu tsu eh, VACATION na! Yey! Wahahaha! Magdiwang tayo!

"We can share a love divine

If you'll only let it be..."

Nagtataka ba kayo sa music ko? Ringback tone 'yan ni daddy, sinabihan ko siyang huwag sagutin ang tawag ko saka ko ila-loud speak pag nang ringback na. Haha!

"When will you say--"

*BLAG*

Aray ko! Aray ko po! Ansakit!

*tok!* * tok!* * tok!*

"Maam Jasmene! Nandoon po se Maam Myrna sa sala. Henehentay po kayo maam!" iika-ika naman akong pumunta sa pinto saka binuksan.

"Bakit daw?"

"Dili po senabe maam. Sege po maam ha, magloloto lang ako!" sabi niya sabay talikod.

"Yaya Linds!" tawag ko nang akmang paalis na siya.

"Baket Jasmene?"

"Ahm tumataya po kayo sa lotto?" kasi diba sabi niya maglolotto daw siya.

"Dili po 'yon ang ebeg kong sabehen maam, magloloto ba, 'yong mag koko-king ng mga puds!" tumango nalang ako kahit 'di ko masyadong na gets.

"Ahh! Sige po Yaya Linds, punta na kong sala. "

.....

"Hey Jasmine, what happened?" sabi ni Myrna habang paika-ika akong bumababa sa hagdan.

"Ahh ito, nahulog kasi ako sa kama nang sumayaw ako," oo, 'yon ang dahilan kaya may narinig kayong *BLAG* kanina. Magpapagawa nga ko ng semento na kasing lambot ng kutson.

Tasio'ng MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon