Chapter 13 - Bats' Killer

314 15 1
                                        

-NHERO's PoV-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-NHERO's PoV-

"Buhay?" nang-iinsultong saad ng hari.

"Pumula lang ang langit buhay na kaagad siya? Nagpapatawa ka?"

"Tunto! Sige nga Doroles, ikaw ang magpaliwanag ng lahat ng ito," singit ni tiya sa mataas na boses. Ngumiti naman ang hari ng nakakaloko pero biglang may espadang bumaon sa kanyang upuang trono sa taas ng kanyang kaliwang balikat.

"Wala kang karapatang ngumiti!" madiin na saad pa ni tiya habang tinitignan ng matalim ang mga mata ng hari.

"Wohw, kalma Patricia!" nakangiti pa ring saad ng hari.

"Kinikilig ako!" ayan na naman ang naiihing boses ng apo ni Iya'y. May naramdaman akong hangin na lumalapit sa likod ng taenga ko at maya-maya pa'y naramdaman ko ang mga paa niya sa aking balikat.

"Huli na ba ako?" tanong niya sa akin.

"Hindi pa naman kami pormal na nagsisimula Ropata," mahina kong saad sa kanya.

Muli namang nagsalita ng hari...

"Papano n'yo nasabing buhay na siya? Pupwede namang eklipse lang ito hindi ba?" si Tasio nama'y tahimik lang na nakikinig. Hindi ko manlang malaman kung natatakot din ba siya o ano. Hindi ko siya mabasa.

Umilaw naman ang kamay ni tiya Patricia ng puti na may halong munting asul at isang libro ang lumitaw sa kanyang kamay at nag-iba bigla ang awra niya. Ang awra niya noon nung tinuturuan niya ko kung papano maging isang prinsepe.

"Makinig kang mabuti Doroles. Babasahin ko pa ang pamagat ng libro para malinaw, " may diin niyang saad. Itim ang pabalat ng libro na gawa sa matigas na balat ng puno ng Helient samantalang ang mga pahina nito ay nakasulat sa pinagtagpi-tagping kulay puti na dahon ng Hellient.

"Pibro mes Kulias mes Eruck na kung hindi mo nauunawaan ay nangangahulugang Libro Patungkol kay Eruck," madiin na dugtong ni tiya Patricia at matalim na tinignan ang hari samantalang ang hari nama'y pinipigilan ang sariling ngumiti.

"Tss..." rinig ko namang maktol ni Tasio marahil ay nagsasawa na siya.

Naglakad naman si tiya papalapit kay Myrna at iniaabot dito ang libro. Nanginginig naman ang kamay ni Myrnang inabot ito at binuklat naman ito ni tiya sa pinakadulong pahina ng libro.

"Basa binibini," madiin pa rin ang salita niya. Kung ako siguro ang nasa katayuan ni Myrna ay manginginig na ang buo kong kalamnan sa kaba.

Tasio'ng MangkukulamMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon