Chapter 15 - Yrixon

327 16 3
                                    

-JASMINE's PoV-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-JASMINE's PoV-

"Tayo na," saad niya bigla pagkatapos lumitaw ng brown na usok na ikinatalon ko naman sa gulat.

"Excited ka noh? Yiehh!"

"Tss... Matagal pa ba kayo?" sabi niya pa ng nakabusangot ang mukha.

"Wala pa si lolo at si Nhero, si Myrna naman at si Johny eh kinuha ang mga gamit ni Johny sa bahay daw ni Mikey," bigla namang sumama ang awra ni Tasio.

*lunok laway*

Ang gwapo niya! Ay ay ang ibig kong sabihin, ahm nakakatakot siya!

"M-may n-nasabi ba kong mali?" hindi niya 'ko sinagot pero alam ko galit siya.

"Sensitive," sabi ko nalang pero wrong word of choice 'ata eh.

"Tss... Magsama kayo ng Sensitive mo," madiin niyang sabi tsaka tumalikod upang lumabas sa pinto ng bahay ni lola.

"Hahaha selos siya!" Hihi! Inakala niya kayang tao ang sensitive? Hahaha humanda siya sakin.

"Jasmine we're here--" 'di na naituloy ni Johny ang sasabihin niya dahil sa nakita niya sa pintuan si Tasio.

"I'm s-sorry a-about your bats I didn't--" at biglang tumilapon si Johny. Napasigaw nalang ako at napatakbo palabas ng bahay lalo na ng mawala si Tasio sa kinatatayuan niya kanina.

Nakita ko siyang sinakal si Johny pagkatapos ay inihampas niya ito sa lupa.

"Tasio, tama na 'yan!" sigaw ko at agad na tumakbo palapit sa kanila.

"Best! Stop!" tawag ni Myrna pero huli na dahil bigla akong tumilapon pabalik at nakita kong tinuturo ako ni Tasio. Buti nalang at naitukod ko ang kamay ko at hindi masyadong malakas ang impact ko sa lupa.

Tinangka namang tapakan ni Tasio si Johny pero gumulong ito at agad na nakabangon. Sinugod siya ni Tasio pero uli ay naiwasan niya ito.

"Best, are you alright?" rinig ko ang pag-aalala sa boses niya. Pag-aalalang siguradong dama niya rin sa kuya niya.

Inalalayan niya 'kong makatayo at agad kaming tumakbo palapit kay Johny at Tasio na naglalaban pa din.

"Tasio tama na!" at agad ko siyang niyakap ng mahigpit sa bewang mula sa kanyang likuran. Si Myrna nama'y iniharang ang kanyang sarili kay Johny.

"Hindi kayo kailangan dito," at bigla na naman kaming tumilapon ni Myrna ngunit ng tumama kami sa lupa'y bigla kaming nagapos ng ugat ng puno dahilan para hindi kami makagalaw.

"RIIX!" sigaw ni Myrna ng may kidlat na muntik ng tumama kay Johny galing sa langit pero nakaiwas siya ngunit nadaplisan ang kaliwa niyang balikat na agad na nalapnos.

"Brother!" nagpupumiglas pa si Myrna pero hindi niya maialis ang ugat na nakagapos sa amin. Puro pasa at dugo na si Johny, putok ang labi at gutay-gutay na ang damit. Maging ang blond na buhok niya'y naging brown na dahil sa dumi at lupa.

Tasio'ng MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon