Chapter 20 - Stalker's Karma

308 17 1
                                        

-JASMINE's PoV-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-JASMINE's PoV-

"Paa, tohod, balekat olo, paa, tohod, balekat olo! Hehe! Ang galeng deba baby? Nanood ka den ba ng Twee-light? Hah baby Eon?" nagising naman ako sa boses ni Yaya. Nandun na naman kasi siya sa neighborhood eh, chinichika ang kinder na bata sa kapit bahay.

"Sabe ne maam masama daw germs!" Narinig n'yo 'yon? Waah, nahahawa na sa accent ni Yaya ang bata sa kapit bahay eh.

Bumangon na 'ko, babalik na naman ako sa university. Sabi after two weeks pa daw 'yong enrollment pero nagsimula na kahapon pa.

"Yaya Lenda! Ay ano ba 'yan, nahahawa na 'ko langya," rinig kong sabi ni mommy habang pababa ako ng hagdan. Hahaha! Ang lakas ng virus ng accent ni Yaya.

"Hindi niya pa alam," bigla naman akong napalingon. Para kasing may narinig akong nagbubulungan mula sa kwarto na katabi ng room ko, room nina mommy 'yon eh. Ito na naman ang curiosity ko. Bumalik ako paakyat ng hagdan upang i-check kung may tao nga.

"Oi Jasmine anak, sa'n ka pa pupunta? Let's eat! Dali na, baba na," huminto naman ako at bumaba na ulit ng hagdan.

"Para kasing may narinig akong nagsalita sa kwarto n'yo," giit ko. Pamilyar ang boses na 'yon eh, parang boses ni hihi! Tasio my labidabs! 'Yan naman tayo Jasmine eh! Killer nga 'yon.

.....

Naglalakad ako dito sa corridor ng mag-isa. Walang kasama, yaan na, sanay na 'ko dun. Hahaha! Checken! Humugot eh! Nakakabaliw palang mag-isa. Katulad na naman ito ng ako noon na naging dahilan ng pagiging stalker ko. 'Di ko na 'to kaya.

Mabuti pa sigurong tawagan ko si Johny. Ganun nga tas yayain ko siyang kumain kahit na panay lang ang yuko niya. Kinuha ko na ang phone ko at tatawagan na si-- hayy... Patay na nga pala si-- nga naman.

"Good morning ma'am," bati ko tsaka ngumiti sa teacher na nakasalubong ko.

"Good morning!" tsaka ngumiti din siya sa 'kin at nilagpasan na 'ko. Teka, parang nakita ko na siya dati.

"Wait wait Miss!" lumingon naman ako dahil may tumawag sa 'kin. Ah siguro ang gurong nakasalubong ko ngayon lang. Well Miss daw eh, tas babae ako so posibleng ako 'yon.

"Miss, do you know Miss--" saad niya na pinutol ko bigla.

"Oh my! Ateng Labor!" tsaka ako nagtatalon at niyakap siya. "Ako po ito! Nagkita po tayo nung nanganganak kayo sa bus!" excited kong sabi. Siya nga ito! Si Ateng Labor nga!

"Jasmine?" tumango naman ako.

"Waah ikaw nga!" tsaka nagyakapan kami ulit.

"Nagtuturo po kayo dito?" siya naman ang tumango ngayon.

"This school year palang ako magtuturo dito. Hamakin mo! What a small world!" wahehe! 'Di pa rin ako makapaniwala!

"Oi nga pala, kilala mo ba si Ms. Easar? Tinatawag kasi siya ng may-ari ng school," akala ko ba nawawala si Myrna?

Tasio'ng MangkukulamMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon