Chapter 16 - Killings

298 13 0
                                        

⚠️Disclaimer: medyo brutal po ang illustration sa Chapter na 'to. Please proceed with caution.⚠️



























⚠️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


-JASMINE's PoV-

"Rix, my brother," muli siyang humagulgol and again, she hugged Johny. Nasasaktan na akong makita siya ng ganito.

"It's painful. I can't take this. I can't."

"I'm here. I will always be here," pag-aalo ko habang hinahaplos ang likod niya. Nagulat naman kami bigla nang may sumigaw. Then sinundan ito ng isang hinagpis. Biglang napalitan ang atmosphere. Biglang naging nakakatakot ang buong paligid na sinabayan ng pag howl ng isang aso sa 'di kalayuan.

"Iya'y! May isang bata ang namatay. Puno ng uod ang katawan niya!" may kahinaang rinig ko mula sa mga taong nag-uusap sa labas.

"Ang anak ko!" rinig ko ulit na sigaw mula sa malayo.

"Ayan na naman Iya'y!"

Dahil sa curious na talaga ako sa mga nangyayari'y nagdecide na ako'ng lumabas.

"Babalik ako best," lumingon lang siya sa akin at tumango.

Pagkalabas ko ng pinto ay nakita ko ang isang lalaking nasa around thirty's na nakasuot ng damit ng isang magsasaka.

"Ano po ang nangyayari?" napatingin naman silang dalawa sa 'kin habang puno ng takot ang kanilang mga tingin.

"Nasa panganib tayo apo ng Iya--" sagot ng kausap ni lola na hindi niya naituloy dahil bigla siyang napahawak sa kanyang tiyan.

"Ayos kalang ba Giron?" natatarantang saad ni lola habang hindi niya na alam kung lalapit ba siya dito o hahawakan niya ba ito o ano.

"Iya'y..." at biglang may nagmarka sa damit niya. Dugo?! Napatakip naman ako sa bibig ko.

"Giiroon!" natatarantang sigaw ni lola tsaka nag labas ng kung ano'ng dahon mula sa supot niya.

Pinigilan ko namang mapasigaw habang tinatakpan pa rin ang bibig ko dahil biglang nagkaroon ng butas ang noo ni Giron.

"Mag-iingat kayo Iya'y!" this time napasigaw na 'ko ng tuluyan at biglang nanghina ang tuhod ko.

Biglang nagsilabasan ang mga lamang loob niya at bumaha ng dugo ng bigla nalang napunit ang tiyan niya.

Biglang nanginig ang buong katawan ko sa takot at naramdaman kong niyakap ako ni lola.

"Apo! Jasmine!"

Sumikip bigla ang dibdib ko dahil sa sobrang takot at nandilim bigla ang aking paningin at walang humpay ang aking pag-iyak.

Hindi matanggal-tanggal sa isip ko ang mukha niya. Ang mga dugo at lamang loob niya. Parang hinahalukay ang tiyan ko. Umiikot na rin ang paningin ko at biglang nandilim ang lahat.

Tasio'ng MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon