Chapter 19 - Friend Ship's Sank

283 15 0
                                        

-TONYO's PoV-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-TONYO's PoV-

"Anak, anak ba kamo Binida?" tsaka ngumiti siya ng mapakla si Rahalia.

"Hindi ka magkakaanak kung hindi mo inagaw sa akin ang lalaking ako ang unang nakilala, at hindi rin sana masasaktan pa ang iba diyan," may kumirot naman sa puso ko. Sige na, sige na magparinig ka pa. Ipamukha mo pang hindi ako minahal ni Binida noon Rahalia. Pero, mahal ko ang asawa kong si Terri, ngunit wala na siya.

"Kaya ba Rahalia, kaya mo isinumpa ang anak ko?"

"Aamin na ba dapat ako kapatid?" nang-iinsultong saad ng kakambal ni Binida at biglang may lumabas na pulang liwanag sa kamay niya na dumiretso kay Binida na agad ding nagpalabas ng puting liwanag.

Nang magsalubong ang mga liwanag ay nagsitalsikan ang ilan sa mga bahagi nito at tumama sa mga lupang pader kung saan nagkukumpulan ang mga insekto kanina.

Ang ibang parte ng lupa ay nabibiyak at gumuguho at ang ibang insekto naman ay natunaw ng matamaan ng liwanag na tumalsik. Patuloy ang ginagawa nilang dalawa hanggang sa napausad ang pulang liwanag. Matatalo si Binida kapag 'di ko siya tinulungan. Bakit ba kasi ako tumunganga. Agad kong itinutok ang kamay ko kay Rahalia pero bigla akong tumilapon at nadikit sa pader.

Biglang may tumalong gagamba sa harap ko. Ang mga paa nito ay nasa magkabila kong gilid at hinaharangan ako upang 'di ako makaalis.

"Huwag kang intermitido Tonyo," sigaw ni Rahalia. Nakabuka naman ang bibig ng gagamba at kakainin ako kapag gumalaw ako.

Mas lumakas ang pwersang pinakakawalan ng dalawa. Pero isang animo'y pagsabog ang narinig ko at pareho ng nakahilata ang dalawa sa lupa.

Kambal nga sila, pareho ang mukha at ang taglay na lakas.

"Kamusta insekto?" saad ko at iginalaw ng gagamba ang ulo niya papalapit sa akin. Tinatakot 'ata ako.

Palapit ng palapit ang ulo niya at ito na nga ang hinihintay ko. Hinawakan ko siya ng mahigpit sa ulo at sa isang iglap ay naging yelo na ang buo niyang katawan.

Dahan-dahan itong bumagsak at nang magtama ang katawan niya at ang lupa ay nawasak ang nagyeyelong katawan nito.

Bumagsak din ako sa lupa ng paluhod mula sa pagkakadikit kanina sa pader. Agad akong tumayo. Bumabangon na rin ang dalawa.

Itinuro ako ni Rahalia at nagsisugod ang mga insektong nasa pader kanina sa akin. Humanda naman ako. Pinaliligiran na nila ako ngayon. Lahat ay nananakot. Sa biglang pagtunog ng isa sa kanila ay nagsisugod sila sa 'kin.

Hinawakan ko ang paa ng isa sa mga insekto gamit ang dalawang kamay ko at bigla itong naging yelo. Lahat ng nakadiin sa insektong ginawa kong yelo ay nagiging yelo din at ang mga insektong dumiin sa mga naging yelo na ay nag yelo rin hanggang sa naging yelo na silang lahat.

Itinuro ko ang insekto una kong hinawakan at naramdaman ko ang paglabas ng pwersa rito at nawasak ang insektong itinuro ko at nangyari din 'yon sa iba.

"Mga walang hiya kayo. Mga bwiset sa buhay ko! Ilang taon akong nanahimik sa ilalim ng banging ito pero ngayon ay guguluhin uli ninyo ako?" binuksan niya ang isang supot sa bewang niya at may dinukot ito sa loob.

Tasio'ng MangkukulamMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon