Chapter 5 - The Mangkukulam and the Stalker

550 26 2
                                        

-JASMINE'S PoV-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-JASMINE'S PoV-

Maglilimang oras na akong bumabiyahe dito sa bus, palubog na nga ang araw pero 'di parin ako nakarating sa napakalayong lugar ni lola. Kaya ito ako, nakasilip nalang sa bintana.

"Ahm Miss, may nakaupo ba dito?" napalingon naman ako sa nagsalita. Nakita ko naman ang isang mga nasa 25 na sigurong babae na malaki na ang tiyan.

"Ah, wala po, pwede po kayong maupo d'yan," sagot ko naman ng nakangiti. Two seaters kasi itong bus, ako 'yong nakaupo malapit sa bintana. Tahimik lang kami, wala naman akong maitatopic eh. Baka kung magtanong ako eh sabihan pa 'kong tsismosa.

Madilim na ang buong paligid, siguro mga 6:48 na 'ata. Naka bukas na din ang mga ilaw ng mga kabahayan na nadadaanan namin.

"Mister at misis,

Uy! Mag kakabeybi!

Tanong at alinlangan siguro ay marami!" ganda ng soundtrip namin ano? Galing 'yan sa isang bahay na nadaanan naming nanunuod ng t.v.

"Hay, nanunukso naman ang kantang 'yon," saad ni ateng buntis habang ngumingiti ng mapakla at himas-himas ang tiyan niya. Hehe, maki FC na ngarin kay ateng, siya rin naman eh!

"Ilang months na ba 'yan?" usisa ko.

"9 moths," kaswal na sagot niya na ikinagulat ko naman!

"Seryoso?!" paninigurado ko kasi, sino ba namang buntis ang babiyahe ng mag-isa ng nine moths na ang tiyan niya?

"Actually, labor ko this week." seryoso nga siya! At ano raw, labor n'ya next week? next week nga ba 'yon?

"Pasensya na kung ikaw ang nilalabasan ko nito ha, pero lulubos-lubusin ko na," grabe din 'to si ateng eh, kala naman niya sakin si Tita Charo, pero dahil likas akong etsusera eh nanahimik lang ako at nakinig.

"'Yong bwis*t ko kasing boyprend, sabi niya paninindigan niya 'ko tapos ano? Nakita ko siyang nagtatago sa likod ng isang fishball stand at nakikipaghalikan sa ibang babae!" naiiyak na kuwento ni ateng. Grabe naman ang bf niyang 'yon, sa likod talaga ng fishball stand? Kung sa bagay para iwas PDA daw!

"Ano'ng pangalan?" baka kilala ko naman pala diba at ng makita niya.

"Angelo." sagot niya.

"Si Angelo po? Sigurado po kayo?" paniniguro ko.

"Oo. Bakit? Kilala mo ba siya?"

"Hehe, hindi po," sagot ko. Sinisiguro ko lang kung kilala niya talaga 'yong ama ng dinadala niya. Dami kayang ganun! Pagtinatanong sasabihin lang nila, 'Di ko na matandaan.'

"Nang nakita n'yo po sila, ano'ng ginawa mo?" tanong ko nalang.

"Masakit..." sagot naman ni ateng. O diba bongga, sabi ko ano'ng ginawa mo, masakit. Pero masakit nga siguro talagang maloko.

Tasio'ng MangkukulamMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon