Telt Asian...
Lugal na kapag napuntahan mo'y kailangan mong mag-ingat ng mabuti, dahil kaunting lihis lang ng landas na iyong tinatahak, hindi mo alam kung masisilayan mo pa ang susunod na isang segundo ng iyong hinaharap. P...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
-JASMINE's PoV-
Ang tagal 'atang bumalik ni Tasio. Nandito kasi kami sa oblong table, 'yong table din kung saan ako napunta nung unang salta ako dito, 'yong birthday ni Doveia.
At hihi! Yiehh tinitigan niya 'ko! Ni Tasio hart hart! Hihi! Promise 'di na ko mang sta-stalk, magbabago na ako.
"Thank you Bwetriya. Go ahead. Ellius and Mikey were waiting for you," napatayo naman si Myrna, pati ako'y nagdududa na din sa may ari ng boses.
"Hindi pa tayo tapos, kamatayan ang kabayaran sa kamatayan," at biglang kumidlat sa labas. Napatayo na kaming lahat at agad na tumakbo palabas ng pinto at 'di nga ako nagkamali.
Nakita ko si Johny na nakayuko at si Tasio, pero hindi ito ang oras para kiligin.
Tinuro ni Tasio si Johny pero agad na tumakbo si Myrna at iniharang ang sarili niya kaya dalawa sila ni Johny ang tumilapon.
"Are you alright Pix?"Tanong ni Johny kay Myrna.
"Yes Rix," sagot naman ni Myrna kay Johny. Nakita ko namang nanginginig ang kamay ni Tasio at hindi straight ang pagkakatayo niya. Tinuro naman ni Tasio ang langit pero agad na tumakbo si lolo Tonyo upang harangan sina Myrna at Johny at ng makita ko'y balot na ng ice ang dalawang kamay ni Tasio.
Walang anu-ano'y may kidlat na tumama kay lolo Tonyo kaya napatalon ako sa gulat pero tumilapon naman sa malayo si lolo. Tinignan ko ulit si Tasio. Galit na galit ang mga mata niya pero ang labi niya'y namumutla na. Wait, anong nangyayari sa labidabs ko?
Naramdaman kong nag teleport si lola patungo kay lolo dahil sa paglakas ng hangin sa tabi ko.
Bigla namang may mga halamang gumapos kay Tasio. Tsaka ko nakita si Brosiyus at ang kamay nitong umiilaw ng color green.
"Mga bata tulungan n'yo si Brosiyus," sigaw ni reyna Patricia kaya tumakbo agad si Doveia at Nhero. Si reyna Patricia nama'y pinipigilan si Doroles dahil parang gusto din nitong sugurin si Tasio. Agad din akong tumakbo papunta kay Myrna at Johny.
"Jasmine," bati ni Johny kaya ngumiti ako. Mamaya ko nalang siya kakausapin talaga.
"Myrna dalhin mo siya sa loob," tumango naman si Myrna pero hindi pa nakakahakbang si Johny ay bigla itong tumilapon.
"RIIXX!" sigaw ni Myrna na tila nagpapanic.
Tumama naman ang ulo ni Johny sa estatwang kalapati. 'Yong malaking estatwa na binungguan ko din ng ulo ko dati kaya nawalan ito ng malay at dumugo ang noo niya. Lalapit na sana ako kay Johny pero narinig ko ang pagdaing ni Tasio kaya nabaling ang tingin ko sa kanila. Patuloy nilang pinagtutulungan si Tasio na harang nalang ang nagagawa at hindi na umaatake. Ano'ng nangyayari sa kanya. Bakit humihina siya ngayon? Gusto ko siyang lapitan pero paano?
"Brother, Rix," saad ni Myrna habang yakap si Johny at umiiyak.
Lalapit na sana ako pero may nakita akong brown na usok malapit kay Myrna at Johny. Si Tasio!