Telt Asian...
Lugal na kapag napuntahan mo'y kailangan mong mag-ingat ng mabuti, dahil kaunting lihis lang ng landas na iyong tinatahak, hindi mo alam kung masisilayan mo pa ang susunod na isang segundo ng iyong hinaharap. P...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
-JASMINE's PoV-
Muli ay naramdaman kong may tumama sa aking likod. Parami ng parami ang nararamdaman kong tumatama sa katawan ko mula sa iba't-ibang direksyon.
Biglang lumakas ang hangin na sumasalubong sa akin at ang malabuhanging pagtama sa akin ng mga patak ng ulan tanda ng mabilis kong pag-angat. I opened my eyes at naramdaman kong may sumubo sa akin ng asul na balahibo.
Unti-unti'y natunaw ito na akala mo eh cotton candy. Biglang nagkanda ikot-ikot ang mga thoughts ko. Napatingin naman ako sa mga tumama sa katawan ko. Mga...
Mga paniki ni Tasio my labidabs!
"Mabuti't nasalo ka namin," rinig kong tunog ng isang paniki pero umiiba ito once nakapasok na ito sa taenga ko. Alam ko na ang pinakain nila sa akin, ang instant translator na balahibo. Ang Sedno.
"Pak!" masaya kong tili. Pero napansin kong siya lang ang naiintindihan ko sa mga paniki.
"Walang anuman apo ni Binida," eh? Hindi naman ako nagpapasalamat ah.
"Sa bilang ko binibini. Humanda ka," naguguluhan man ako sa sinabi ni Pak ay humanda na ako. Aba malay mo kong bitawan nila ako 'di"BAAAAAAAAA!"
"Handa mga paniki, ipakita sa mga bampirang 'yan kung papano kumilos ang tunay na mga paniki," at nagsisugod sila sa mga bampira. Pagkatapos nila akong ihagis iiwan nila ako? Grabe lang, manang-mana sa amo nila!
"Glad they got you best. I can't afford to lost you too like my brother. Keep going Dovero," natahimik naman ako sa sinabi niya. I'm so blessed to have her, very very blessed. Tahimik lang kami habang mas mabilis naman ang paglipad ni Dovero at sinasalubong ang malakas na ulan at hangin.
Patuloy naman ang paglalaban ng mga kayumangging mga paniki at ng mga bampira. Sa tingin ko, kayang-kaya nila ang mga 'yon. Pero, papano kung may mamatay sa kanila?
"Huwag kang mag-alala Jas jas, kayang-kaya nila 'yon. Likab lang ang mga 'yon eh."
"What's Likab?" naunahan na ako ni Myrna, itatanong ko rin sana 'yon, huhu. Nanginginig na 'ko sa lamig.
Nagwriwrinkled na ang mga balat sa kamay at paa ko sa lamig. 'Di parin tumitigil ang ulan!
"'Di pa ba namin nasasabi sa inyo?"
"Obviously,"mahinang sagot ni Myrna.
"Ay hindi pa nga pala..." mas lumalamig naman ang pakiramdam ko. Mas pinili ko nalang manahimik kasi nangangatal na 'ko.
"May iba't-ibang uri ang mga bampira.." kumampay muna siya at nagpatuloy.
"Ang mga Likab ang kanilang alila, inuutusan sa lahat ng mga bagay pero wala silang sapat na kasanayan sa labanan. Mas mapanganib nga lang sila dahil mas uhaw sila sa dugo," bigla naman kaming may nadaanan na wall pero parang bubbles lang siya dahil bouncy, pero nagkakaroon ng silver light sa parting dinaanan namin.