Chapter 11 - Mamamangka

400 14 0
                                        

-DOVEIA's PoV-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


-DOVEIA's PoV-

Agad namang nagsitakbuhan ang lahat ng mga bampira pero si Pamvir ang kanilang hari ay sa ibang direksyon tumakbo. Papalapit siya sa 'kin habang handa ng pumatay ang kanyang pangil.

Iniangat ko ang kamay ko at itinuro siya. Ramdam ko ang isang malakas na pwersa ang lumabas sa aking hintuturo na naging dahilan upang tumilapon si Pamvir.

"Magaling insan," saad ni kuya Nhero.

Ramdam ko ang isang hangin na nanggaling sa bumabang si Dovero. Bumaba naman sina Myrna at Jasmine na inilalayan agad ni kuya Nhero.

"Ano'ng nangyari?" saad ng lalaking hanggang ngayon ay nakatali parin ng patiwarik.

Lumapit sa kanya si lolo Tonyo upang tulungan siya pero bigla ito'ng napakamot sa ulo niya.

"Hehe, Nhero, tulong nga," agad na lumapit si kuya at nagpalabas ng munting apoy upang putulin ang lubid. Si Iya'y Binida nama'y bumalik na sa dati at maging si Dovero'y lumiit na din.

Lalapit na din sana ako kaso may papel ako'ng nakita sa lupa kaya pinulot ko ito.

"Huuwaah! Huwag!" saad ni Jasmine at agad itong inagaw sa akin at pinunit.

"Bakit mo pinunit? Gusto kong makita," malungkot kong saad, ang daya.

"Kasi eh, huhu!" Sagot niya.

"Hahaha, it's her drawing Doveia, she's an artist you know. Hahaha!" pabirong saad ni Myrna.

"Best naman eh!" at nagtawanan kaming tatlo. Pero agad kaming natahimik dahil sa lalaki kanina.

"Salamat sa tulong. Sa wakas, malaya na ako," saad niya pa.

"Sa wakas nga Brosiyus, pagkatapos ng tatlumpung taon," masayang saad ni lolo.

"Oi, kayo lang naman nagkakaunawaan eh, pa share!" pakikiusyuso ni Jasmine.

"Nga pala, Brosiyus, ito si Binida, Prinsesa Doveia at Prinsepe Nhero, si Jasmine ang apo ng Iya'y at si Myrna," pagpapakilala sa amin ni lolo. Nakalimutan 'ata niya ang mga alaga namin.

"Hillo! Ano na?" singit ni Jasmine.

"Apo, hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan 'yan," saway ni Iya'y.

"Ayos lang Iya'y, may dapat din akong sabihin eh," saad ni Brosiyus. Ang galing! Papano niya nalamang Iya'y si Iya'y Binida eh hindi naman iyon sinabi ni lolo? Kung sa bagay, tanyag pala sina Iya'y noon.

"Sa tiyan palang ako noon ng aking ina ng kunin siya nina Rosolina upang gawing alay," simula niya.

"Ngunit minabuti nilang manganak ito bago ialay kaya ang akala ko noong paglaki ko si Rosolina ang aking ina. Pero ngayon, ng dahil na rin sa aking mga pagtakas sa kanila'y alam ko na ang totoo... Na ang aking ina ay yumao na," nakakalungkot pala ang buhay niya. Pero nakita ko na nag-iba ang emosyon ng mukha ni lolo Tonyo.

Tasio'ng MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon