Love Ko 'To - Ang Simula ng Tinadhana (P2)

6K 501 119
                                    

Author's note: To every single one of you who has read, commented, voted and shared in this adventure, thank you. The Adventures of KantoRJ and SosyMeng has continuously placed in the top ranks in WattPad Fanfiction because of you guys. Salamat.

Malayo pa tatakbuhin ng kwento nilang dalawa. Sana huwag kayong magsawa sa pagsama sa lahat ng gulo at saya na dadaanan nila papunta sa poreber nilang dalawa.

This is for the KantoSquad, Silent_Shipper, Kebemamma, WanderingMeekay and fantasticmaine. Thank you for always pulling my head outta my butt and for always encouraging me to keep writing.

To katmagra, I will never stop thanking you for writing My Jeje Love so beautifully.

Sa lahat sa inyo na nagmamahal kay Dayunyor at Beb, para sa inyo po ito, peksman.

*•*•*•*

"Nay! Diba sabi mo kanina pagtapos natin magsimba kakain tayo sa McDo?"

"Gutom ka na ba? Anong sabi ng tiyan mo?"

"Wait lang Nay, tatanungin ko lang."

"O ano daw?"

"Burger daw po at fries, Nay."

"Sige na, hanap ka na ng mauupuan. Yun anak o. Para di ka mawala sa paningin ko."

"Opo Nay. Dun po ba sa tabi nung ale na may baby na nasa stroller?"

"Oo. Wag kang magulo ha? Wag makulit, RJ. Dahan dahan ang takbo baka madapa ka na naman!"

"Yes po, Nanay! Aguy! Sorry Nay!"

"Hijo are you okay? Nasaktan ka ba? Sino kasama mo?"

"Ang Nanay ko po. Ayun po siya o. Pero okay na po ako. Sanay na po madapa. Baby nyo po siya?"

"Yes, hijo. Napagod kakalaro so she's napping. How old are you?"

"Payb po! Ang cute po ng baby nyo. Sabi po ni Nanay pag ang baby cute, paglaki daw po maganda o pogi."

"Then you'll be a very pogi young man when you grow up. Lalo na you have a dimple pa."

"Dedli daw po sa chicks ang dimpol sabi ng Tatay."

"Your tatay is right pero you have to be a good man too. Dapat magalang sa babae at matatanda."

"Yes po. Yan po din sabi ng Lalabs ko."

"Lalabs?"

"Lola ko po. Labs ko po kasi sya kaya po Lalabs."

"That is so cute. O here's your Nanay na."

"Nay! Tignan mo yung baby o! Ang cute no, Nay?"

"Naku nanggulo ka na naman. Pasensya na po at madaldal talaga tong anak ko. Lahat kinakausap."

"That's alright. He was very respectful. You're raising a very good boy."

"Salamat. Ilang taon na yang baby mo?"

"She's two. And very quiet. Opposite ng little boy mo. This one is very shy."

"Ay ayan po. Gising na si baby! Nay pwede ko po siya laruin? Please Nay?"

"Akala ko gutom ka? Tsaka baka mapaiyak mo pa."

"It's ok hijo, go ahead."

"Hi baby! Ako si Tisoy, I am payb. Gusto mo ng fries? Nay pwede po ba sa kanya yung fries? Ahm, pwede ko pa siya bigyan ng isang fries?"

"Pasensya na ha?"

"No, no it's okay. I'm a bit surprised she's not asking to be carried. Usually pag hindi niya kilala she cries for her dad. It looks like your son's charm is working very well on my babygirl."

"RJ, isang fries lang jusko."

"Hehe. Sorry po Nay! Ang cute kasi tumawa eh."

"Here's my husband na. It's nice to meet you..."

"Rosa. Nice to meet you din..."

"Mary Ann."

"RJ, aalis na sila. Paalam ka na kay baby."

"Ay. Naglalaro pa kami Nay eh."

"Maybe we'll see you again sometime."

"Okay po. Babay baby! Kita tayo ulit dito sa McDo sa susunod ha! Babay!"

"Meng, baby... say bye na sweetheart."

The Adventures of KantoRJ and SosyMengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon