KRJ, SM & Mang Kardo - Anibersari

7.7K 459 37
                                    

"Good afternoon po, Tito. Mano po. Si RJ po?"

"Pabalik na yata yun, 'nak. May binili lang sa talipapa. Magluluto daw kayo. Ano bang okasyon?"

"Wala naman po. We just wanted to cook for you."

"Aba! Hindi ako tatanggi dyan 'nak. Eh ano bang ulam lulutuin nyo?"

"Ay Tito, RJ told me wag daw po sabihin. It's a surprise daw po for you."

"Naks. Hindi ko naman berdey ah. Pero sige sige. O ayan na pala si RJ. Dayunyor kanina ka pa hinihintay ng beb mo! Bilis naman ng lakad oy!"

"Haha Tito what did you call him?"

"Dayunyor."

"TAY NAMAN JUSKO PO TALAGA NAMAN!"

"O bakit? Pambihira maka sigaw tong tukmol na to. Eh yun naman talaga tawag namin sayo ng nanay mo."

"Dayunyor? Awww babe, that is so adorable!"

"Ayaaaaan. YAN ang dahilan kung bakit. Jusko."

"Hahaha! Sori na anak! O sige na, magpapahinga muna ko. Direchong bente kwatro tinakbo ko eh. Iwan ko muna kayo, nak, Meng. Gisingin nyo na lang ako pag kakain na."

"Sige po Tito. Rest well po. We'll be in the kitchen lang po if you need us."

"Ge Tay, pahinga muna kayo."

"Come na, Dayunyor my love. Let's get started."

"Ah nako beb.. kung ayaw mong mapupog ng kagat umayos ka. Baka pag sinimulan kita di tayo makapagluto."

"Fine. It's just.. ang cute kaya ng dayun-- DAMNIT RJ I WAS TALKING! You need to stop swooping in to bite my lower lip like that."

"Winarningan kita. Wag mo nang ulitin."

"Meanie. Gimme that. Start prepping the pork. It needs to be salted then marinated. I'll prep the veggies. Where's the coconut milk?"

"Nasa plastik bag. Beb, salamat nga pala ha? Alam ko may lakad kayo ng tropa mo ngayon."

"Babe, I'd rather be here, doing this, with you. Tito was asking me earlier why we're cooking him a meal."

"Ansabe mo?"

"Told him it's a surprise."

"Ayos gud gud. Simula kasi ng... kwan.. mawala si.. kinginang sibuyas to naluluha ako."

"Babe, you're cutting potatoes..."

"Wag ka nga. Basta. Simula kasi nung nawala na si Nanay.. tuwing anibersari ng kasal nila... yang si Tatay kung di siya nagmumukmok lang sa kwarto, pinapatay sarili sa pagpasada ng taxi namin. Gusto ko lang maiba sana ngayong taon."

"So we're cooking his favorite food?"

"Actually hindi eh hahaha. Niluluto natin yung ulam na akala ni Nanay paborito ni Tatay. Wagas maghanda yan si Nanay basta anibersari nila. Di na itinama ni Tatay. Baka daw hambalusin pa siya ng upo pag nalamang ilang taon nang mali siya ng niluluto. Pero palagay ko naging paborito na rin ni Tatay kasi luto ni Nanay eh."

"Baby..."

"Gusto ko sana ngayong taon, medyo masaya naman siya. Kaya tayo maghahanda. Uuwi ng maaga sina kuya at bunso para kumpleto tayo. Syempre kasali ka."

"Why? Babe it's a family thing."

"Pamilya ka na. Wag ka ng umapila. Magtatampo si Tatay pag wala ka."

"Alright. I'll stay for dinner."

"Gud. Lam mo beb, ang tagal ng malungkot ni Tatay eh. Ang tagal na naming malungkot lahat. Pero syempre pinaka si Tatay. Minsan nga naririnig ko yan kinakausap si Nanay. Inaaway ng konti kasi iniwan daw siya agad. Pero sa bandang dulo mag a-I lab yu din naman. O hala siya naman ang umiyak. Huy aalat yang niluluto mo. ARAY! Beb pati ba naman pechay pinanghahampas mo na rin?"

"Ang bully mo kasi."

"Hindi ah. Ahm Meng... nga pala salamat ulit ha?"

"Bakit? Sa ano?"

"Kasi andito ka, tinutulungan mo ko. Kasi mahal mo din yung pamilya ko. Kasi mahal mo ko. Pero lalong lalo na kasi ng dahil sayo, nawala na yung lungkot ko."

The Adventures of KantoRJ and SosyMengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon