Kanto Pemily - Ilaw, Araw, Ina

5.4K 408 96
                                    

Ma, this is for you.

*•*•*•*

"Nanay, gising na po... Nay..."

"RJ, susmaryosep ang aga pa. Bakit gising ka na?"

"I love you, Nanay. Happy Mothers day po!"

"Salamat, anak."

"Nay, tara po sa labas. Salubungin natin yung araw. Sabi po sa radyo, payb pipti payb daw po ang bukang liwayway. Halika na Nay... dalawang minuto na lang o."

"Eto na eto na. Jusko kang bata ka."

"Nay o, tsinelas nyo po. Ako na po magdadala nitong kumot!"

"Ha? Bakit? Para san ang ku-"

"Ayan na Nay! Dali! Upo ka dito! Para kitang kita natin! Medyo malamig ng konti, eto Nay, balabal natin tong kumot."

"Ano bang pumasok sa utak mo ha, RJ?"

"Nay diba sabi nila ang mga ina daw po ang ilaw ng tahanan?"

"Tama."

"At ang araw naman ang nagbibigay buhay sa lahat ng tao, halaman at hayop dito sa mundo.."

"Tama din."

"Nay, gusto ko lang makasama kita sa simula ng isa na namang araw. Ang ilaw at araw ng buhay ko. Naming lahat. Mahal ka namin, Nay."

"Diyos ko anak, ang aga aga mong magpaiyak. Mahal din kita. Mahal ko kayong lahat. O ayan na. Pati ikaw naiyak na. Anak nga kita. Halika na, maghahanda na ko ng almusal at malapit na rin dumating ang Tatay mo."

"Tapos na po. Nakapaghanda na po ako. Relaks ka lang ngayon Nay. Araw mo po ngayon."

"Alam mo Dayunyor, maswerte mapapangasawa mo balang araw."

"Asawa agad agad Nay? Bata pa po ako!"

"Sabi ko nga balang araw diba? Lokong to. Basta anak lagi mong tatandaan. Ang babae, ginagalang, minamahal, iniingatan. Okay?"

"Okay po Nanay."

*•*•*•*

"RJ, Mahal? Babe? Wake up... wake up my love."

"Hmmm? Nay?"

"Mahal, it's me..."

"Beb."

"Are you okay? You were talking in your sleep."

"Kausap ko ang Nanay."

"Good. Did you greet her a Happy Mother's Day?"

"Yes, Mahal.. teka, di ka nawi-weirdan sa sinabi ko na kausap ko ang Nanay?"

"No. We talked too."

"Nanaginip ka din?"

"No. I spoke to her before I went to sleep. After I said my prayer. I thanked her for raising a good man like you."

*•*•*•*

"Nay? Wake up.. Nay..."

"Hmmm? Yes Uno?"

"Malapit na mag morning. Happy Nanay's Day po."

"Thank you, Kuya."

"I love you, Nanay."

"I love you too, Uno."

"Nay?"

"Yes Kuya?"

"Halika, toothbrush na po ikaw."

The Adventures of KantoRJ and SosyMengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon