Author's note: This is for Twitter user and really great friend, chefgoosegirl who requested for a lola story. Also, this is going to be part of a three-story arc.
*•*•*•*
"Andito na tayo, beb. Excited ka na ba?"
"I'm terrified! What if she doesn't like me?"
"Ano ka ba? Ilang beses na kayo nagkausap sa telepono. Pinadalan ka pa niya kelan lang ng cake books. Gusto ka na nun!"
"This is different! I'm meeting her in person for the first time. What if she thinks I'm not pretty enough for you? I really need her to like me, RJ."
"Mahal ka na nun kasi mahal kita. Wag nang maart-- AGUY! Isusumbong kita makita mo."
"I'm not being maarte. I am legit nervous. Which is weird kasi lolas love me!"
"Enchakli! Kaya halika na. Dali na beb, gusto ko ng kumain ng luto ng lola ko."
"Fine. If she hates me, I'm going to cry."
"Iyakin."
"Gago."
"Bansot."
"Lampa."
"Abaaaa... sinong lampa? Magagawa ko ba yung ginawa ko sayo nung Sabado kung lampa ko?"
"Bakit RJ, ano bang ginawa mo sa kanya?"
"Anak ng utot ng hamog! LALABS! Ayiiieee!! Lalabs ko! Wala ka pa ring kupas! Daig mo pa rin si Palos. Lakas makagulat. Bakit ngayon lang po kayo umuwi? Miss na miss na po kita! Ano pong tanghalian natin?"
"Juskong bata to! Ibaba mo nga ako! Hoy! Makawasiwas to! Nahihilo na ko! DAYUNYOR!"
"Ay. Sori Lalabs! Namiss lang po kita talaga."
"Magandang tanghali po, Lola. Mano po."
"Anong mano? Para namang iba ka pa eh. Payakap nga. Nakuuu keliit. Ricardo, baka naman kinukunsume mo tong si Meng kaya ampayat."
"Hala. Ako talaga may kasalanan? Ang lakas kaya kumain niyan, 'la."
"Totoo po yun. Lola ambango bango nyo po. Ay ang weird. Sorry po pero you smell like my Abuela po. Bigla ko po siyang naalala."
"Wala na ba ang abuela mo, apo?"
"Wala na po. She passed away a few years ago po. I still miss her everyday."
"Hayaan mo, pag nakaramdam ka ng lungkot, sabihan mo tong si Dayunyor na dalhin ka dito."
"Talaga po 'la? Sige po. RJ did you hear that?"
"Amoy lang ba ni Lalabs gusto mo? Ibibili na lang kita ng sangrekwang White Flower kesa magmaneho ng kelayo layo para lang magsinghutan kayong dala--- ARAY NAMAN 'LA."
"Wag ka kasing tukmol. Ang tatay mo asan? Si bunso at si kuya mo bakit di niyo kasama?"
"Susunod na lang daw po sila. Sa isang araw pa po punta nila kasi yun pa lang pwede mag-leave ang kuya sa trabaho niya tapos po si bunso may tinatapos pang achuchuchu para sa thesis nya."
"Magtatagal po ba kayo dito sa probinsya, Lola?"
"Mga tatlong buwan din, apo. Ayaw pumayag ng anak kong babae na magtagal ako dito sa Pilipinas kaya babalik din ako sa Amerika agad. Naku. Tara na ngang kumain. Ricardo, tignan mo nga kung nakahanda na ang kumidor."
"Nakaayos na po 'la. Sinasandok na lang po yung kanin. Nga pala Lalabs, punta po kami sa palayan mamaya. Ipapasyal ko po itong beb ko. Bisitahin ko na rin po si Princess."
"Excuse me? Princess?"
"Yes beb, pakilala na rin kita. Sana lang di siya magtaray. Selosa kasi yun."
"Selosa?"
"Sobra. Ayaw nun nakikitang may kasama akong ibang babae. Nagtatampo. Ang hirap suyuin."
"Is that so?"
"Dayunyor. Kung ayaw mong hambalusin ka nitong mapapangasawa mo, ayusin mo pagkwento mo."
"Ha? Bakit? Eh talaga namang matampuhin si Princess. At selosa. Siyempre ayokong magalit sakin yun. Lam mo naman na lab na lab ko yun 'la."
"Then go marry yang Princess mo."
"Hindi pwede."
"Why not?"
"Kasi kalabaw siya."
![](https://img.wattpad.com/cover/60466464-288-k514175.jpg)
BINABASA MO ANG
The Adventures of KantoRJ and SosyMeng
FanfictionKantoRJ and SosyMeng, plus the entire KantoSerye cast of characters are the products of my and my friends' overactive imaginations. You can check out their own KantoRJ fics on WP or on Twitter. @silent_shipper @wanderingmeekay @kebemamma @fantasti...