#ZaGo - SMB

7.5K 343 24
                                    

"Godo, naging shoting ka ba ni Ateng?"

"sgwhhdhhxjjsh"

"Ay shit! Ay nabulunan teka teka! Eto gulaman!"

"Jusko naman Reezabells, saang parlor mo naman nasagap yang balitang yan?"

"Wala. Natanong ko lang kasi parang type ka ni Ate Ramona kaya bitter-bitteran ang peg nya nung kinukwento kita sa kanya kanina."

"Uy. Kinukwento mo na ko sa sangkalahatan ha!"

"Maka sangkalahatan ka dyan. Kay Ateng lang!"

"Sa bilis magpasabog ng chismis nyang si Ramona para ka na ring nag-announce sa buong sandatahang chararat dito sa barangay."

"Eh ang dami mo ng satsat di mo pa sinasagot yung tanong ko."

"Hindi no. Neber. Eber eber neber. Pero alam mo napansin ko lang.. lampa ka no?"

"Ha? Wew layo ng connect kay Ateng. Paano mo nasabing lampa ko?

"Eh kasi tatawid ka na lang sa isip ko, nahulog ka pa sa puso ko."

"Hahaha benta! Bolero mo uy!"

"Seryoso kaya ako."

"Weh."

"Oo nga! Grabe ka naman. Ginawa mo kong parang pisbol."

"Ha? Paano?"

"Kasi tinuhog mo na ang puso pati ang isipan ko."

"Nakanam! Ayan tayo eh. Teka tuloy ba tayo mamaya? Mga 7 pa ko papalitan sa shop. Ayos lang ba?"

"Basta ikaw. Kahit gaanong katagal, maghihintay ako. Para ka kayang sirang relo."

"O bakit?"

"Kasi pag kasama kita, time always stops."

"Bwahahaha iba ka Godo!"

"Makatawa to labas pati apdo mo eh. Hahaha aray! Anak ng maton. Lakas mo din palang humampas!"

"Sorry naman. Ikaw kasi eh. Tindi bumanat."

"Cute mo kasi matuwa. Nakakawala ng pagod."

"Uy banat bolero na naman?"

"Hindi. Banat manliligaw."

"Hala siya."

"O eto na squid bol mo. Nasawsaw ko na yan. Kain na. Marami rami pa tong patutumbahin natin."

"Salamat. Ahm Godo..."

"Ano yun?"

"Wala. Gusto ko lang tignan mo ko. Nakakawala kasi ng pagod."

"Takte."

"Bakit?"

"Naiihi ako sa kilig."

"Gago."

The Adventures of KantoRJ and SosyMengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon