🐥's note: Hay, madamidami masasabi na bad words si Taytay en Tito Godo na pogi. Wag niyo na uulit ulit. Bad yun.
*•*•*•*
"Godo, pre anong balita? Okay naman kahapon dito? Natapos lahat ng gawa? Yung realignment nagawan ng paraan? Napick-up na? Sino tumapos?"
"Naks sunod sunod ang tanong ah. Hinay lang Dayunyor. Lahat ng dapat tapusin, natapos. Maayos lahat. Oo napick-up. Si Celso. Okay na?"
"Sensya na pre, hindi talaga ako sanay ng uma-absent kaso lamonaman, pag si Meng na ang naglambing, ligwak lahat. Bahala na si Batman."
"Nagsimula na bang maglihi?"
"Ay takteng yan oo! Parang natulog lang kami maayos pa siya tapos pag-gising, dyaraaan! Saklap kasi mukhang ako na naman ang biktima ng paglilihi niya. Ang kulet kahapon jusko. Ayaw paiwan. Gusto palagi kaming magkatabi."
"Kunyari pa tong tukmol na to... kung alam ko lang tuwang tuwa yang tumbong mo."
"Gago. Siyempre ayos lang kasi what Beb wants, Beb gets pero susmaryosep, tadtad ako ng kagat at kurot kahapon. Gigil na gigil eh."
"Tengene tol. Yang ngiti mo abot hanggang Maragondon. Kilig na kilig nampota. Ano na? Ipapatahi na ba kita ng gown? Winner na winner ang hilatsa ng pagkatao mo ngayon o, ha, o.. kaway kaway naman diyan."
"Eh kung mukha mo kaya i-realign ko? Lakas mong makabasag ng trip."
"Ay ano yan? Nagtatampo ka? Pare, napkin gusto mo? Pang-ilang araw mo na ba?"
"Gunggong. Umayos ka nga! Masama maging masaya? Teka nga teka, ako alam ko kung bakit maganda mood ko. Ikaw bakit yang ngiti mo ganyan? AHA! Nagtext si Ramona sayo no!? Miss ka na niya? Pinapadaan ka ba sa tianggean mamaya bago umuwi? Alam ba yan ng asawa mo?"
"Anak ng barberong bansot. Ako na naman nakita mo! Hoy, por yor impormeyshon, hindi lang ikaw ang pwedeng pagpalain. Yabang neto. Porke't tumama sa lotto si Bogart."
"Ayan tayo eh. Huwag mong sabihing nakahabol ka pa sa last draw? Nanalo din ba si Diego?"
"Kingina Dayunyor ilakas mo pa ng marinig ng buong talyer."
"Malay ba niyang mga yan kung sino si Diego. Ano nga nanalo ka din? Tangina bakit ba ko interesado? Teka nga tatawag lang ako kay Meng."
"Ahm ako din tatawag kay Reez. Ay hinatid ko nga pala sa inyo si misis."
"Ah talaga teka. Tawagan natin yung dalawa."
"Ikaw na lang. Wala akong load."
"Kelan ka ba nagkaload bwi- Beb! Kamusta ka diyan? Di ka ba kinukulit ng mga bubwit?"
"Hi love, no they're being good little monsters. Nasa room natin, watching a movie. How's work?"
"Ayos lang. Aalis na rin kami ni Godo. Punta kami sa auto show sa may Ortigas. May gusto ka ibilin para pag-uwi ko mamaya?"
"Is the auto show important?"
"Hindi naman. Magtitingin tingin lang kami ng bagong makinarya. Bakit?"
"Jennifer misses Bogart."
"Ay putangina. Labas muna ko pare shet ahm teka."
"Ricardo, was I on speaker phone?"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
"Oh my god. Why did you not tell me? And why in hell does Godo know? I hate you, babe!"
"Lechugas, I hate you tapos babe yung dulo. Osya osya uuwi na lang ako. Jusko Beb mahal na mahal kita hahaha!"
"Gago ka. Get pizza for takeout na din, please?"
"Yes Mahal. Sige na. Uwi na ko."
"Ay wait. Reeza said to tell Godo that Gina says hi."
"Gina? Sige sige sasabihin ko."
"Bye babe. Drive carefully. I love you."
"Labyu too, Mahal ko."
"See you soon."
"Godo! Hoy!"
"ANO?"
"Sabi ng asawa mo hi daw sabi ni Gina!"
"Ay puta. HUWAG KA NGANG SIGAW NG SIGAW!"
"Lumapit ka kasi bobo. Sino si Gina?"
"Lakampake."
"Tangina sino nga yun? Lahat naman ng tropa mong babae tropa ko din. Sino yun? Kamag-anak ni Bebels? Tropa? Kachararat ni Ramona? Huy!"
"Andami mong tanong Dayunyor! Lakanangangpake kung sino si Gina! Halika na uwi na tayo."
"O eh bakit ka uuwi? Ako lang naman pinapauwi ni Meng. Wala namang pinasabi si Bebels na umuwi ka na din. Bakit pati ik--- hala."
"O nagets mo na. Tama na. Ayoko na pag-usapan."
"Mabuti pa nga."
"......"
"......"
"......"
"Godo."
"Ano?"
"Swerte natin no?"
"Sobra."
BINABASA MO ANG
The Adventures of KantoRJ and SosyMeng
FanfictionKantoRJ and SosyMeng, plus the entire KantoSerye cast of characters are the products of my and my friends' overactive imaginations. You can check out their own KantoRJ fics on WP or on Twitter. @silent_shipper @wanderingmeekay @kebemamma @fantasti...