KantoRJ - Ibang Usapan Naman

5.1K 406 51
                                    

*•*•*•*

"Nay, alam ko naririnig mo ko. Alam ko hanggang ngayon nakamasid ka sakin, sa pamilya ko. Alam kong araw araw, walang sawa mo kaming ginagabayan. Hindi nagkamali ang Diyos sa pagpili sayo bilang katuwang Niya sa pag-aruga at pag-ingat sa aming lahat na nagmamahal din sayo.

Nay, unti unting nababawasan yung matinding puwang sa puso ko nang mawala ka dahil sa pagtupad mo ng pangako mong makikita ko ulit si Meng at sa pag-alaga at paghanda mo sa mga anghel na nakalaan para saming dalawa. Ngayon, maliit na lang yung kirot. Hindi naman mawawala yun Nay. Ganun talaga diba? Pero yun na nga, konti na lang dahil sa bawat anghel na ibigay sa amin ng Diyos, mayroon at mayroon akong nakikitang alaala mo sa kanila. Yung mga mata mo, yung ngiti mo, yung pagiging mapagbigay mo. Nakikita ko sa bawat isa sa mga anak namin ni Meng.

Nay, eto papunta kami ni Meng sa duktor para kumpirmahin kung dumating na yung pangatlong anghel namin. Sana patuloy mo kaming gabayan, kasama ng Diyos, na maging mabubuting mga magulang sa kanya.

I love you Nay. Miss na miss na miss na kita pero ramdam ko na sa darating na bagong anghel namin ni Meng, may padala ka na namang isang bahagi mo na magsisilbing paraan para mabawasan ang pagkaulila namin sayo.

Ingat ka Nay. Usap tayo ulit mamaya."

The Adventures of KantoRJ and SosyMengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon