"RJ!"
"Huy Godo! Musta bakasyon?"
"Ayos naman. Kamusta yung talyer?"
"Ayun. Marami rami din yung pasok ng gawa."
"Tinulungan ka naman ni Celso?"
"Oo naman. Sabi ko nga permanente ka na nyang palitan eh. Sya kasi hindi nawawala tuwing tanghalian."
"Namo. Lakas mo pa rin mambasag, buset ka."
"Magkwento ka naman. Ano, nagbreak na ba kayo ni Reeza? Isang linggo kayong magkasama ah. Wag mo sabihing isang linggo ka ring hindi umutot o nagtanggal ng sapatos."
"Sama ng ugali mo kahit kelan. Perpekto ka eh no? Nagtataka nga ako kung bakit di ka pa iniiwan ni Meng. Ilang helmet sinuot mo dun?"
"Asows wala. Nadaan lahat sa gandang lalaki ko."
"Eh di ikaw na. Ikaw na ang hambog."
"Nagpapakatotoo lang. Nga pala. Buti hindi ka pa nangingisay sa giyang. Isang linggo ka ring walang ALDUB ah. Kinaya mo yun, pre?"
"Kaya nga hinding hindi na ko papayag pumunta sa probinsya. Pahirapan ang signal. Tapos ang dami pang ganap. Walang oras magpunta sa internetan para makapag-replay man lang."
"Namiss ka ni Meng eh. Wala daw siyang partner in crime sa kilig."
"Sabagay. Wala ka kasing kwenta kasama manood ng ALDUB. Kunyari ka pa kasing kalmado kahit itlog na itlog ka na sa kilig."
"Ungas. O ano papasok ka na bukas? Ikaw na magsabi kay Celso ha?"
"Sa Miyerkules na siguro."
"Ha? Baket? Jet lag?"
"Tarantado. Aklan lang kami galing."
"Mismo. Jet lag lang yung pasableng rason kung bakit di ka pa papasok. Apat yun nakaparadang sasakyan uy. Kulang pag kami lang ni Celso."
"Sige. Martes."
"Anak ng. Bukas ka na nga namin kailangan."
"Pota naman Ricardo o. Pagbigyan mo na ko."
"Pagbigyan? Ako nga wala pang bakasyon o. Bakit ba hindi ka pa papasok? Anong problema?"
"Kwan kasi.."
"Ano? Nag-away kayo ni Reeza?"
"Hindi uy."
"Ano nga? Dadalaw ka muna kay Ramona dahil miss na miss mo na ang mga yakap niya?"
"Namo."
"Eh ano nga kasi?"
"MANONOOD AKO NG REPLAY NG KALYESERYE PATI SPS OKAY? MASAYA KA NA? ANDAMI NG NANGYARI! HULING HULI NA KO SA BALITA!"
"....."
"Ano? Ano ibig sabihin niyang mukha mo?"
"Fake fan ka pala. Hindi ka updated. Tsk. Tsk."
"HOY HINDI AKO FAKE FAN!"
"Sige nga patunayan mo. Anong pangalan gusto ni Maine para sa mga anak nila ni Tisoy?"
"Celestine at Sebastian. Tsss. Ang dali naman."
"Pang ilang monthsary na nila?"
"Pang siyam! Jusko wala na bang mas dadali pa dyan sa mga tanong mo?"
"O sige. Anong sinabi ni Maine nung inaya siya ni Alden magpakasal kanina sa harap ng buong ALDUB nation at Eat Bulaga Dabarkads?"
"....."
"O anong sagot mo?"
"Totoo? Pare wag kang ganyan. Masama magbiro ng ganyan... totoo nga? Ansabi ni Maine? Pumayag ba siya? Umiyak ba si Tisoy? Ano sabi ni Maine? DAYUNYOR SAGUTIN MO KO!"
"Sabi ni Maine..... joke lang po Lola! Tugak niloloko lang kita. Eto naman di na mabiro. Inanowns lang nila na magkakaron na sila ng peliku-- HUY SAN PUNTA MO? GODO! HUY!"
"Sa talyer! Kukunin ko yung acetyline. Weweldingin kong pasara yang tumbong mo!"
"Tsss kala mo kayang gawin."
"Aakyat na rin ako sa bahay niyo para isumbong ka kay Meng."
"HOY WAG! Godo! BIRO LANG KASI EH! HUY!"
BINABASA MO ANG
The Adventures of KantoRJ and SosyMeng
Hayran KurguKantoRJ and SosyMeng, plus the entire KantoSerye cast of characters are the products of my and my friends' overactive imaginations. You can check out their own KantoRJ fics on WP or on Twitter. @silent_shipper @wanderingmeekay @kebemamma @fantasti...