KRJ & SM - Praktis Lang

6.2K 395 28
                                    

Author's note: This is written for Twitter user MargaretteRLove who requested to have KRJ and SM discussing their future family life together. I hope this meets your expectations.

*•*•*•*

"Hi babe... why so quiet?"

"Nag-iisip lang beb."

"What's wrong? Is something troubling you?"

"Ha? Wala. Beb... kwan... ahm... handa ka na ba?"

"Saan exactly?"

"Sa patutunguhan nating dalawa. Sa kinabukasan. Handa ka na ba sa simpleng buhay?"

"Simpleng buhay?"

"Oo. Yun pa lang kasi ang kaya kong ibigay sayo ngayon. Hindi naman ako titigil sa pagsisikap para sayo, satin, sa mga magiging anak natin pero... dadaan muna tayo sa simple at payak... handa ka na ba?"

"I can't believe you're asking me that."

"Kasi mahal kita. Ayokong mahirapan ka. Ayokong makitang nag-aalangan o nag-aalala ka."

"And you think I won't be able to survive not being rich? That somehow I'll struggle and break down because all you can give me is a simple life? Eh kung sapakin kaya kita Ricardo? Gago ka pala eh."

"......"

"I don't care about the lifestyle you think I've grown accustomed to. I care about you. About our future together. And yes, I'm ready. I'm ready because I have you beside me. I know you'll do your best, work your hardest and provide more than enough for our family. And one more thing, I'm ready because I know you'll be right beside me as we build our family and future together."

"Beb?"

"Ano?!"

"Nakakatakot ka pala mainis. Ang solid nung gago mo kanina ah. Umurong tumbong ko eh."

"Eh gago ka naman kasi talaga. Anong kala mo sakin, lampa? Hoy mister, excuse me. I'm made of tough stuff. Babe, I need you to believe in me as much as I believe in you..."

"Sorry na. Minsan kasi dinadaga din ako. Natatakot. Hindi porket gwapo, matipuno at---"

"Hambog. Don't forget hambog."

"Eto naman... pero seryoso beb... ayoko lang talaga kasing dumating yung oras na pagsisihan mo yung pagpapakasal mo sakin."

"That's never going to happen. Do you know why?"

"Kasi baliw na baliw ka sa kagwapu-- ARAY!!"

"Try again."

"Kasi mahal mo ko. Yung buong pagkatao ko. Ng walang alinlangan. Walang pagkatakot."

"Yun naman pala eh. Stop being so scared."

"Hindi na. Baka sapakin mo ko eh. Takot ko lang kaya sa future kumander ko."

"Buti naman kung ganon. We're in this together, okay? It's you and me. We're partners all the way."

"Salamat beb... pero meron pa kong isang tanong."

"What's that?"

"Sabi nila lahat daw ng bagay dapat pinaghahandaan, pinagbubutihan. Kung kailangang daanin sa araw araw na pageensayo at pag-aaral, dapat gawin. Dapat pinapraktis."

"That's true. What's your question?"

"Handa ka na bang magka-baby?"

"I am. I know we'll make great par--- HEY! Ano ba namang bigla biglaan yung pagbuhat mo sakin?"

"Tama na satsat. Tara na. Praktis na tayo."

The Adventures of KantoRJ and SosyMengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon