Barangay Kanto - Hinahanap Hanap Kita

5.7K 475 106
                                    

"KITKAT?! HERE TITTY TITTY! KITKAAAAT!!"

"Susmaryosep ang aga agang sigawan naman niyan anak. Anuba't nang-gagalaiti ka diyan?"

"TAYTAY SI KITKAT KO PO NAWAWALA! KITKAAAAT HERE TITTY TITTY!! AYLAMYU TITTY TITTY LAPIT NA IKAW KAY BIBI!!"

"Anak ng koprang kinulot. Anong titty? Bakit may titty? Bibi, anak dapat KITTY kasi kitten sya diba?"

"TAYTAY MEYA NA TAYO MAUUSAP! NIHAHANAP KO SI KITKAT! HERE TITTY TITTY TITTY!"

"MENG! MAHAL!! PARANG AWA MO NA SAKLOLO!"

"What in the... I can hear you guys hanggang doon sa garden! What's wrong? RJ bakit ganyan mukha mo? You look constipated. Why don't you he--"

"NAYNAY HELP MO PO AKO MAHAHANAP SI KITKAT! PLEASE NANAY TAWAG MO DIN SI KITKAT! MASABI MO DIN NA HERE TITTY TITTY TITTY! DALI NA PO NAYNAY!"

"Eh di ikaw din nagmukhang natataeng ewan."

"Did you even try to correct your daughter?"

"Jusko oo! Mamaya na daw kami maig-usap. Tulungan ko muna daw siya maghanap ng ti-"

"This isn't funny, RJ!"

"Mukha ba kong natatawa, Meng? Nasan ba kasi nagsuot yung lintek na kuting na yon? Eto na nga ba sinasabi ko eh. Teka nga dun ako sa likod bahay at garahe maghahanap nang matigil na yang kasisigaw ng bunso mo. Mamaya marinig pa tayo ng mga kapitba--"

"Hello beautiful people ng pamilyang dimpol! Anditey na akez para magsabog ng--"

"HERE TITTY TITTY TITTY!"

"AAAY BAKIT MAY HANAPAN NG NOTA DITEY!?"

"Ramona! Oh my god, language please!"

"Ganern? Yung junakiz mez fuma-finding nemo ng notabellsung tapos akeklavu ang nyunyugalitan mez?"

"She's looking for her kitten, KitKat. Wala ka bang nakita o nakasalubong na kuting papunta dito?"

"Asan ang konek ng kuting sa ti-"

"TITA NONA HELP KA PO MAHAHANAP SI KITKAT! MASABI MO DIN PO NA HERE TITTY TITTY TITTY!"

"Ay bongga! Masubukan nga yan minsan baka sakaling may sangrekwang otokong manota ang lumapit!"

"Ramona! Anak ka ng kapreng kirat! Itatampal ko sayo yung jowa mong pinaglihi sa langka pag di ka umayos! Tumulong ka na lang maghanap ng matigil na si Bibi ng kakasigaw ng ti--"

"LAPIT NA IKAW KAY BIBI TITTY TITTY TITTY!"

"Ay beri wrong juskolord! Eto na eto na! Kakalowka ang babaitang bubwit na yan!"

"Uy! Anong kaguluhan meron dito? Hi Ateng Mona! Meng! Kanina pa kita tinatawagan sa phone! Hala bakit ganyan mga mukha niyo? Anong nangya--"

"NAYNAY! HINDI PO IKAW NASASABI NG TITTY TITTY!"

"Ay anudaw ang sasabihin?"

"MAY PA-REUNION BA NGAYON DITO AT KULANG NA LANG PATI SI GO--"

"Huy Dayunyor! Nampotek makasigaw ka! Uy Ramona! Balita? Reez, Tart.. pasok ko na muna sa loob tong mga kahon ng cupc--"

"TITO NINONG HELP KA DIN MASABI NG HERE TITTY TITTY TITTY PLEASE PO!"

"......."

"She's looking for her kitten. We're ALL looking for her kitten. The faster we find it, the faster she'll stop saying ti--"

"Dayunyor? Nak? Bakit bukas na bukas yung gate niyo? Baka makawala sina Bruce at L--"

"LOLO POGI HELP KA DIN PO MAHAHANAP KAY KITKAT! MASABI MO DIN HERE TITTY TITTY TITTY!"

"Oh. my. god."

"Tay! Mano po! Hinahanap po namin yung kuting ni Bibi. Kitty po dapat yun kaso ayaw pumirmi sa isang lugar kasi nga naghahanap kaya hindi pa namin maitama ng ayos yung ti--"

"Bibi. Halika dito kay Lolo Pogi. Huwag muna sumigaw ha apo? Hahanapin natin yung kuting mo. Pero tigil muna ang sigaw ha?"

"Y-yes p-po Lolo."

"Bibi, ang pusa lalong hindi lalabas pag maraming nasigaw."

"Tama!"

"Godo, manahimik ka muna kundi tatamaan ka."

"Sabi ko nga po."

"Bibi apo, saan mo huling nakita si.. Meng, ano bang pangalan ng alaga nitong apo ko?"

"KitKat po, Tay."

"Saan mo huling nakita si Kitkat, apo?"

"Sa sa sa sa bed ko po. Dun sa karto namin ni Kuya. Nasleep kami tapos pag wake up ko wala na po si KitKat dun po sa bed. Eh nawatch ko sa TV pag nahahanap ng kitten dapat nasasabi yung here titty titty titty..."

"Nakow! Nalintikan na. Sa TV pala napulot. Apo ganito na lang. Balik muna tayo sa kwarto niyo ni Kuya Uno tapos dun tayo magha--"

"Bibi? Eto si KitKat o. Lumipat siguro sa tabi ko. Ay andaming bisita. Hello po Tito Ninong, Tita Bebels, Tita Nona! Good morning po Lolo Pogi. Hi Nay, Tay. Ano po meron?"

"KITKAT! Bad kitten! Maiiwan mo si Bibi! Thank you Kuya! Thank you Naynay en Taytay en Tito Ninong en Tita Bebels en Tita Nona en Lolo Pogi! Mape-play muna kami ni KitKat sa karto!"

"Bibi, sa susunod na mawala si KitKat, tawagin mo siya ng mahina lang ang boses tapos sabihin mo ming ming ming ming para lumapit."

"Wag na po yung here titty titty titty?"

"Oo apo. Wag na yun."

"Okay po. No more titty titty!"

"Susmaryosep."

The Adventures of KantoRJ and SosyMengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon