KRJ & SM - Simula ng Poreber

10.6K 524 31
                                    

Author's note: I wrote and uploaded this on Twitter about a month ago but forgot to post it here. So here you are with a few minor edits. A glimpse into the beginning of their forever.

Enjoy.

*•*•*•*•*

"Ano 'nak, handa ka na ba?"

"Oo tay. Unang kita ko pa lang sa kay Meng, handang handa na ko."

"Hahaha buti nakuha mo pang maghintay at mag-ipon. Alin, ako yan? Itinanan ko na agad agad."

"Hindi pwede tay eh. Mga babaeng katulad ni Meng, pinaghahandaan. Pinagsisikapan."

"Nakow wala ka na nga 'nak. Hulog na hulog ka na. Matindi na yan. Pero eto seryoso ha? Mahalin mo yang si Meng gaya ng pagmahal ko sa nanay mo. Pangako mo yan sakin."

"Tay, mas higit pa."

•••

"Mom, how do I look?"

"You look beautiful, iha. Your RJ won't know what hit him when he sees you walk down the aisle."

"Mom, I'm scared."

"Why? Are you having second thoughts?"

"No! Hindi po. I've never been more sure of anything my entire life! I'm just scared that I'm not the kind of girl that deserves such a kindhearted, amazing man. What if I can't be what he needs?"

"Menggay? Mahal mo ba si RJ?"

"With all my heart po."

"Then you're already everything he deserves and more. Chin up na, Meng. Smile. This is your day."

•••

"Tsong, ano? Pwede ka pang mag back out! Andyan yung owner ni Mang Erning. Di pa huli ang lahat!"

"Gago. Sira talaga ulo mo no Godo? Halos mangitlog na nga ako sa kaatatan! Pre, eto na to eh. Umpisa na ng poreber ko. Namin. Tagal kong inintay to, tukmol. Umayos ka nga!"

"Takte, mangitlog talaga ha? Biro lang uy. Alam ko namang ngatar na ngatar ka ng simulan poreber nyo eh. Mamimiss kita tsong. Wala na kong ka-Counterstrike. Pakshet."

"Gago. Pumayag ka na kasi sa alok ni Ramona. Bagay kayo. Pareho kayong macho."

"Namo. Matalisod ka sana mamaya."

•••

"Ready, Menggay?"

"Ready, Dad."

•••

"Ok ka lang 'nak?"

"Ok na ok Tay."

•••

"Ayan na siya, Tay."

"There he is, Dad."

•••

"Ikaw lang at wala ng iba, Meng. Hanggang maubos lahat ng bukas. Ikaw lang. Mahal kita."

"My day starts and ends with you, RJ. Always you. Only you. You have my heart. I love you."

•••

"Godo, naiyak ka ba? Gusto mo yakapin kita?"

"Naku Ramona, subukan mo lang, ikaw ihahagis ko kina RJ imbes na bigas."

•••

"Happy ka beb?"

"The happiest, babe."

"Poreber na to, Meng."

"Forever, RJ."

"Pakagat nga."

The Adventures of KantoRJ and SosyMengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon