KRJ & Ramona - Hugot sa Hapon

6K 297 23
                                    

"🎶Till now I olweys get by on my own. I never really cared until I mechuuu... and now it chills me to da bown... how do I gechu alown? How do I gechu alown? Aaaalooown!!! Aaaalooowwn!!🎶"

"Huy! Ramona! Walastik. Rinig hanggang Bulkang Mayon yang banat mo ah. Buti di ka pa kinukuyog ng mga kapitbahay niyo. Oras ng siesta panay ang kurahaw mo diyan."

"Lakompake."

"Uy antaray. Teka bakit nga pala andito ka? Sarado yung tiangge? Magugunaw na ba ang mundo?"

"Alam mo RJ kung di ka lang pogi baka nakrumpal na kita ng pandakot. Ikaw bakit ka andito? Pati ba naman ikaw naakit na ng pinsan kong kulay kopon ban?"

"Luh. Ramona, ang kay Pedro kay Pedro. Ang kay Juan, kay Juan."

"Tama. Para kay Ramona lang naman ang wala."

"Uy.. may hugot. Anyare?"

"Anyare? ANYARE? Yan! Yang babaeng binabad sa sukang paombong ang nangyare!"

"Si Reeza? Asows dahil jowa na niya si Godo?"

"Tumpak palakpak, luyang sinapak!"

"Kaya bonggang emote ka kasi nasasaktan ka?"

"Ang sheket sheket Harshheeey! Sobrang sheket!"

"Mahal mo ba talaga si Godo?"

"Ay hindeeeee kaya nga nagbabaliwbaliwan kasi hindi ko siya minahal ng bonggang bongga!"

"Excuse me lang po Ramon Alfonso Balagbag, kayo ba ni Godo naging magjowa?"

"Tangina mo Ricardo, may makarinig sayo gago ka. Ipalo ko sayo tong bidyoke makita mo. Oo na, wala na kung walang relasyon pero ang sheket pa rin ha? Wasak ang puso kez. Tegi boom boom. Masama masaktan ha? Umasa ako eh!"

"Hindi ko sinabing wag kang masaktan pero wag mo rin namang namnamin yang sakit. Papatalo ka sa isang sakit ng puso? Suko agad agad?"

"Wala naman kasing papatol talaga sakin. Di ko nga magets kasi ang gandara parks ko naman."

"Sabi mo nga. Aguy! Anak ng kamote. Sakit ah!"

"Eh keshe... doris bigornya na nga, inaasar mo pa."

"Ang arte mo kasi. Laban lang. Tayo lang ulet. Gang buhay may pag-asa. Wag panak-awt agad!"

"Tengeneng to. Ginawa kong boksingero. Bukas na ko rarampage ulet. Hugowt muna bago harowt."

"Ayan tayo eh. Si Reeza ba nasan?"

"Asa kusina. Kumakapkeyk."

"Sige. Mamaya na ko papasok. Kanta muna ko."

"Ay hulaan ko...."

"🎶Nang ma inlove ako sa'yo kala ko'y pag-ibig mo ay tunay. Pero hindi nag-tagal lumabas din ang tunay na kulay. Ang iyong kilay mapag-mataas at laging namimintas...🎶"

"Sabi ko na nga ba... juskolord."

The Adventures of KantoRJ and SosyMengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon