SM x Bibi x Uno - Math Problem

2.8K 352 155
                                    

"Hi kids! How was school?"

"NAYNAY MABIBIGAY PO AKO NI TEACHER LIA NAM STAR SA HAND! LOOK PO!"

"Very good! What is it for?"

"Weytamini, maiisip ko po yun na masabi ni Teacher... AYUN! Sabi niya po, Beatrice I en giving you a star because today you are kyawet."

"Quiet."

"Luh. Di naman ako masa-shout Naynay. Makwento ko lam po nam mahina yun na masabi ni Teacher."

"No, no. I mean, ang tamang pag-bigkas ay KWA-YET at hindi KYA-WET."

"Aaaah okay po Naynay! I en go malalaro da kambal!"

"Put your things in your room first!"

"Yes po Naynay!"

"Ikaw Kuya, how was school today?"

"Okay lang po, Nay. Nag quiz po kami sa Math and Science. Yun pong Science ko, 10 over 10 pero po yung sa Math meron po akong wrong answers. Sorry po Nay."

"Hey... there's no need to say sorry, love. It's okay to make mistakes. That's how you learn."

"Pero Nay, diba po si Tatay sobrang galing sa Math?"

"Yes he is. Pero I'm sure he still made mistakes along the way. Hindi lahat ng quizzes niya sa Math naperfect niya."

"Hindi po. Lahat po naperfect niya. Kwento po sakin dati ni Lolo. Pagdating daw po sa Math, walang makakatalo kay Tatay."

"Uno..."

"Nay, kailangan po maging magaling din ako sa Math. Kailangan po maging pareho po kami ni Tatay. Kasi po...."

"Go on, love."

"Kasi po diba kaya mo po nakilala si Tatay kasi po tinulungan ka po niya with Math nung na nag-school pa po kayo? Diba sabi mo po sa sobrang galing magturo ni Tatay sayo ng Math, naging mataas din yung grade mo sa Math?"

"Well yes, that's true."

"Nay gusto ko po paglaki ko makahanap po ako ng pareho mo po. Kasi po sabi ng Tatay, sobrang swerte niya daw po na ikaw po naging forever love niya. Sana ako din po paglaki ko yung mahanap ko na forever love kasing bait and ganda and mabait like you. Pero paano yun Nay pag need po niya yung help ko po sa Math tapos po hindi ako magaling? Paano po yun Nay?"

"Awww Kuya... you have a long way to go pa before you meet your forever love. You have time to get better at Math. Pero you know what? We don't know kasi who God will give to us eh. Ako, it's Tatay. Nakita ni God that I needed help sa Math so he sent me Tatay. Maybe God will send you to someone who needs help dun sa bagay kung saan ka magaling."

"Hmmm... saan ba ko magaling Nanay?"

"Oh you are good at so many things! You are good in Science, you are good in English and you're VERY GOOD in Art! Alam mo ba, you're even better na in drawing than Tatay."

"Talaga po Nay?"

"Talagang talaga."

"Sana i-send po ako ni Papa God sa magiging forever love ko na need ng help sa Art. Tuturuan ko siya mag-drawing Nay!"

"Or you can draw for her!"

"Oo nga po no? Ako na lang magdo-drawing para kay Is--"

"Tama Kuya, ikaw na ang mag-dorwing para kay Issy kasi makikita ko yung madorwing niya. Mapareho nung dorwing nung kambal. Ampangit!"

"Issy? Why Issy? Kuya, why Issy?"

"Uhm Nay! May assignment pa po ako! Gagawin ko po muna tapos maglalaro kami ng twins sa garden! Babay Nay! Love you! Thank you po sa usap natin!"

"Ha? What? Oh.. okay sige. You're welcome. Ikaw Bibi, tell Nanay why you said Issy."

"Hay Naynay, is beri odyus! Love na love ni Kuya si Issy. Kahit small pa lang siya."

"But they're still babies! You're still a baby!"

"Enchusmi. I en not a baby. I en have a boypren olredi."

"Naku don't tell your Tatay na you have a boyfriend my love."

"Baka maging mad siya po?"

"Or mag-hang. Like last time."

"Di bale po Naynay. Pag nag-hang po ulit si Taytay, mabulong mo lam po ulit sa kanya na malalaro na kayo nam parrot."

"Susmadre."

The Adventures of KantoRJ and SosyMengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon