KRJ & Godo - Apektado

7.8K 409 54
                                    

Author's note: It's really hard not to get affected with the negativty that always inevitably happens after a supposedly big thing that didn't happen the way they want it to happen. I coped with the entire thing through writing. You may or may not agree but... kebs.

*•*•*•*•*

"Huy! Lintek Godo! Makahagis ka ng gamit wagas. Bakit ba? Anong pinuputok ng buche mo? Tampururutan agad kayo ni Reezabells mo?"

"Hindi. Wala. Paabot ng lug nut."

"Utot mong wala. Para kang namatayan ng kuko sa itsura mo o? Ano nga problema?"

"Gago. Wala nga. Asan ba beb mo? Dun ka na nga."

"Pre meron ka? Minu-mutual cramps ka no?"

"Kingina RJ isa na lang sayo ko itatampal tong--"

"Bukan mo lang baka pagpalitin ko kayo ng mukha ni Ramona sabihin mo tsamba. Magsalita ka nga! Tangna parang iba pa ko sayo eh. Kelangan mong pera? Magkano? Pwede naman kita pahiramin. Di naman ako ganun kakuri--"

"Gago ka hindi pera. Ayoko magkwento sayo at pihado pagtatawanan mo na naman ako."

"Ha? Bakit naman ako tataw--- aaahhh tungkol ba to sa Kalyeserye? Teka ALDUB ba o MaiDen ang may gusot? Kwento na!"

"Balentayns kahapon diba?"

"Oo. Ngayon?"

"Eh andaming umasa na magdedeyt silang dalawa."

"O eh hindi ba nag road trip sila nung Sabado tapos bumidyo chuchu pa si Meng sa Chef Boy kanina. Di pa sapat yun?"

"Magpapakwento ka ba o mag chichika minit ka?"

"Namo. Sige tuloy."

"Eh ayun na nga tol. Marami na naman nagalit kay Tisoy kasi hindi nya daw dineyt ng matino si Maine kahapon. Pers balentayns daw dapat speysyal tapos binasa pa ni Maine yung tula niya kaya yung iba hanggang langit ang asa na buong araw sila magkasama."

"Bakit hindi ba?"

"Yun na nga pre. Wala naman talaga nakakaalam. Pwedeng hindi, pwedeng oo. Kebs diba? Kingina ang saya na nung dalawa pero kulang pa rin?"

"Ganon talaga pre. Maraming damuhong chararat sa mundo. Kung papaapekto ka sa kakitiran ng utak nila, ikaw talo."

"Ang hirap hindi magalit para dun sa dalawa lalo na para kay Tisoy. Tsong wagas mga banat sa kanya ngayon. Tagus tagusan."

"Sabi din nga ng beb ko. Kaya log off daw muna siya sa internet ng ilang araw. Pektado rin eh. Parang ikaw."

"Eh kingina naman kasi. Nakakalimutan nilang tao lang yun. Pede maging tanga paminsan. Pede magkamali. Malamang yan si Tisoy mabaho din utot nyan. Tao nga kasi. Kahit halimaw sa gwapo, tao pa rin. Wag ka na. Di kayo magkamukha. Ikaw lang nagpipilit nun."

"Maipit sana sa zipper itlog mo. Gago."

"Seryoso ako RJ. Kawawa si Tisoy. Kawawa silang dalawa kasi pinagmumukha na naman nilang shunga shungahang martir si Maine. Mukha namang matibay loob nung isang yun. Kaya niya yan. Kung siya nga hindi iniiwan si Tisoy eh. Siya yung dapat unang bibitaw kung pangit trato sa kanya ni Tisoy diba? Nabitaw ba? Hindi naman. Solid eh."

"Eh solid nga. MaiDen yan eh. So anong problema mo? Naiinis ka sa mga chararat? Wala kang magagawa dun pre. Kahit weldingin mo pang pasara lahat ng bibig nyang mga yan, gagawa ng paraan yang iutot yung pagkasama ng ugali nila. Kebs na lang pre. Tuloy lang suporta dun sa dalawa. Di na ba kaya? Bibitaw ka na ba?"

"Gago. Solid to no? Poreber ALDUB MaiDen panboy to uy. Por layp. Mauuna pang maging babae si Ramona bago ko bumitaw sa dalawa."

"Ah poreber ka nga."

"Poreber talaga. Paabot ng maskara. Iwewelding ko na tong muffler."

"Lul iiyak ka lang eh."

"Alam na ba ni Meng ano tawag sayo ng lola mo nung bata ka pa?"

"Tadyak sa apdo gusto mo?"

The Adventures of KantoRJ and SosyMengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon