Chandellyzah's POV
Napataas ang kilay ko. ito lang pala, bakit ngayon pa? Eh pwede naman mamaya. Agad agad? Tinakasan ko pa yun para lang dito?
Tapos, gagala lang kami. Mga mayayaman talaga, kahit kailan gusto nila gumala. Pwedeng pwede. Napailing nalang ako.
"Sab, wala ka bang pasok ngayon?" Biglang tanong ko. Baka may pasok siya at nagcutting classes ang babaeng 'to.
Pero mukha naman walang pasok ang isang 'to dahil nakabihis at hindi naka uniform.
"Wala na akong pasok ngayon." Sagot niya. "tara na ate!"
Pumara siya ng taxi at hinila ang kamay ko. Ang hilig talaga manghila nito. Pwede namang maglakad kami na hindi ako hinila. Tsaka hindi naman ako bata para hila-hilahin.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Nandito na kami sa loob ng taxi. Sa totoo lang, wala akong ganang magmall ngayon. Mas trip ko ang matulog magdamag.
"Sa bahay namin." Sabi niya at ngumiti sa akin.
Akala ko ba, gagala kami? Bakit sa bahay niya ako dadalhin? Anong bang meron? Birthday niya? O ano?
Ilang minutes lang ay nandito na kami. Nasa bahay na niya kami. Ang laki ng bahay nila, di ko ma describe pero ang masasabi ko lang ay ANG GANDA ng paggawa ng kanilang bahay.
Nilibot ng aking mga mata ang bahay nila ng makapasok kami. Ang linis at ang bango. White & black yung design.
"Maupo ka muna d'yan, ate. Kukuha lang ako ng makakain natin."
Umupo naman ako at umalis dahil kukuha ng pagkain. Ano kaya gagawin namin dito?
Mukhang walang katao-tao. Siguro siya lang ang nakatira sa loob ng bahay 'to. Hindi naman nakakatakot ang bahay na'to dahil hindi naman luma ang mga gamit. Ang bago tsaka sabi ko nga, Ang bango.
Tumayo ako at nilibot ang bahay nila. Kompleto sa gamit, may dinning room, kitchen, may sofa at iba pang makikita mo lang sa mga mayayaman. Hindi nalang ako pumunta sa itaas. May second floor pa kasi ewan ko lang kung may third floor and soon.
Dumiretso kasi kami sa loob hindi ko na napansin ang sa labas. Bumalik na ako sa kinauupuan ko kanina at sakto namang dumating na si sab.
"Here." sabay lapag niya ang mga pagkain at may maiinom.
"Nagluto ka pa? Nakakahiya naman." I said, shyly.
May kanin, beefsteak, chicken lollipop at may burger pa. Ewan ko sa ibang pagkain na nandito. Yan lang ang alam ko, meron kasing Parang pansit cantoon na di ko alam, at may yellow na ewan kung ano. Diko alam kung anong saktong idescribe ko dito. Meron ding maiinom na kulang pink. Maybe it's a strawberry flavor.
"Oo yung kanin lang naman. Yung iba kanina pa yan naluto." Sagot niya at in-arrange ang lahat ng pagkain.
"Kumain kana ate. Ang sarap niyan, si kuya ang nagluto ng lahat ng yan." Sabi niya at ngumiti ng malapad.
May kasama pala siya dito, at yun ang kuya niya. Saan ba pamilya nya at bakit sila lang dalawa? Hmm.. Siguro may trabaho o may ginawa lang sa labas.
"Ahh, sige. Salamat dito. Kumain kana rin." Sabi ko at ngumiti.
Tinignan ko ang mga pagkain at grabe! to be honest. Nagugutom ako sa mga pagkain na nandito.
"Sige, sige. Kukuha lang ako ng plato at kutsara't tinidor." Sabi niya at tumayo ulit. Pagbalik niya ay may dala na siyang plato, at kutsarat tinidor.
"Let's eat!" Tsaka nilagay ang plato at binigay nya sa akin ang kutsara't tinidor.
Pagkatapos nami kumain ay niligpit na niya lahat ng kinain namin. Ako na sana ang nagpresenta, but ayaw niya kaya pinapabayaan ko nalang. Nagkwentuhan lang kami at dumating sa punto na nagtanong ako sa kanya.
"Saan pala mga magulang mo?" Tanong ko, nacucurious talaga ako.
"Ang mommy ko nasa ibang bansa at same rin si daddy." Sagot niya.
"Okay, kung nandun sila sa ibang bansa. Sino mga kasama mo maliban sa kuya mo?"
Mukhang ang lonely naman ng bahay dito kung lahat ng kasama niya dito ay pare-parehong busy.
"Si kuya at limang yaya dito sa bahay namin." Sagot niya .
May lima pala silang katulong dito, pero nasaan ba sila? Bakit siya lang ang nandito? At saan rin yung sinabi niyang kuya.
"Okay. So saan yung lima nyong katulong at kuya mo?" Curious na tanong ko. Wala kasing katao-tao.
"Si kuya nasa office pa niya at yung dalawang katulong isa nandun sa garden, ang dalawa is namamalengke at yung isa is nag day off muna dahil may sakit ang asawa." Sagot niya
Now I know, kaya pala. Nasa labas pala lahat. Akala ko pa naman siya lang at ang kuya niya ang nandito. Ako kasi, ako lang mag-isa. Nasaan na kaya yung mga magulang ko?
Napatingin ako bigla sa wristwatch ko. Ay naku naman. Ala sais na pala. Nagabihan ata kami sa kakwentuhan ni sab.
"Sab, Uuwi na ako. Gabi na kasi."
Akmang tatayo na ako ng pinigilan niya ako gamit yung kamay niya.
"Mamaya na ate, please?" Sabi niya habang nagpapuppy eyes.
How can I resist if this girl was so cute when she doing that?
Umupo na lang ako ulit. Nabigla naman ako sa pagsigaw ni Sab.
"Nandito na pala siya ate." Sigaw niya kaya I give her a question look.
"Hehe. Si kuya." Sagot niya at sakto namang paglingon ko ay siya na agad ang nakita ko.
Oh? Lumaki ang dalawang mata ko sa aking nasaksihan. Siya ang kuya niya? Really? For real?
VOTES AND COMMENTS<3
BINABASA MO ANG
Can This Be Love? [COMPLETED] #Wattys2016
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa salitang Forever? Kasi sa case ngayon, hindi lahat ng tao ay naniniwala sa forever. Mabibilang mo na lang ngayon ang mga tao na naniniwala sa mga salitang iyon dahil sa ka-bitteran , broken-hearted, one sided love or Third par...