CTBL21

1.5K 63 8
                                    

Simula nung nag-aya siyang makipagdate sa akin ay hindi ko na siya nakikita dito sa office. Dahil may business trip siya ng ilang araw. Kaya ang ginawa ko lang ngayon ay inaasikasao ang dapat aasikasuhin.

Simula din nung araw na yun ay palagi ko yun pinag-iisipan pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi pa ako nakapagdesisyon.

Bakit ba kasi ganun!

Dinalaw ko rin si Seb sa hospital kahapon, at kinumusta siya. Sabi niya okay naman daw siya.

Dahil gusto ko talaga malaman ang kalagayan niya ay tinanong ko ang doctor niya. Hindi kasi ako mapalagay at nag-aalala na tlaga ako sa kanya.


Dahil lalo siyang pumayat at lalo akong nasasaktan sa nakikita ko na parang nahihirapan na talaga siya. Nang tinanong ko yung doctor niya ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Lalo daw itong lumala at hindi na daw kaya ng kanyang katawan.


Nasasaktan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para matulungan si Seb. Naaawa ako sa kanya. Sinabihan din ako ng kanyang ama na ipapagamot daw si Seb sa America. Mas lalo akong naiyak sa nalaman ko. Hindi ko na siya makikita ulit. Lalayo na naman siya sa akin.

Ngayon na ang araw na pupunta sila sa America. Gusto kung sumama at alagaan siya roon. Pero hindi pwede dahil wala pa akong sapat na pera.

Nakakahiya naman kung sila ang bumayad para sa akin. Sinabi kasi kahapon ng ama ni Seb na isasama ako, pero hindi ako pumayag dahil nakakahiya.

Kaya heto ako ngayon, pinagdesisyonan ko na lang na manatili dito. Sana gumaling na siya dun pag nagamot na siya. Sa mahabang pag-eemote ay este pag-iisip ko ay may tumawag sa akin. Unknown number. Sinagot ko iyon.

"Hello?" I answered the call pero walang sumagot. Inulit ko pa pero wala paring sumagot kaya binaba ko na lang yun at pinagpatuloy sa akng ginagawa.

Pagkatapos kung asikasuhin yung mga ginawa ko. Lumabas ako dahil gutom na gutom na talaga ako. Napunta ako dito sa restuarant na malapit lang sa building. Umupo ako sa isang bilog na mesa na dalawa lang ang makaupo.


While Im eating peacefully ay may biglang umupo sa harap ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil busy ako sa paglamon ng aking kinakain. Lunch time na kasi eh. Inangat ko yung mukha ko para makita kung sino siya.

Laking gulat ko na si Kean ang nasa harap ko. Nakasuit ito at ang gwapong gwapo niya. Hindi ako nagsisinungaling. Mas gumwapo ito ng makita ang kanyang isang ngiti.

Ibinaba ko yung kutsara at tinidor na hinawakan ko. "Diba nasa business trip ka? Bakit ka nandito? At bakit alam mong nandito ako?" Sunod sunod kung tanong sa kanya.

"Chill. Bukas sana yung uwi namin dito. Pero madali lang natapos kaya nakauwi ako ng maaga." Natatawang sagot niya kaya napangiti na lang ako ng lihim na hindi ko alam.

Nagpaliwanang kasi eh.Para namang may ginagawang kasalanan na hindi niya nagawa. Ngayon ko lang kasi siya nakita na ngumiti na hindi fake. Palagi kasi siya nakapoker face. Parang may lamay! Kaya natuwa rin ako dahil sa ngiti niya.


"Okay. Bakit ka naman nandito? Bakit alam mong nandito ako?" Tanong ko ulit habang isinubo ko yung last na natira sa pagkain ko.

"Kitang-kita kaya pagdumaan. Madaanan lang dito oh." Sabi niya at tinuro niya ang labas.

Nakita ko naman na madaan lang pala talaga kaya madali lang niya makita. Napatawa nalang ako dahil hindi ko napansin yun nang naglalakad ako kanina.

"Kumain ka na ba?" Hindi ko alam kung bakit parang nagtatanong ako na kumain na ba siya pero masaya ako na nandito siya.

"Hindi pa e, ililibre mo ba ako?" Sabi niya at ngumiti na kita yung maputi niyang ngipin.

Tumango nalang ako dahil gusto ko rin na ilibre siya kahit hindi naman mamahalin. Mukhang masaya talaga siya ngayon.

Ano kayang nangyari bakit ganito na lang siya makangiti at tumawa. Napangiti nalang ako, nakakahawa kasi yung ngiti niya.

Pagkatapos ko siyang ilibre ay naglalakad kami dito sa plaza. Gusto niya daw gumala saglit dahil napapagod siya sa kanyang business trip. Ayaw ko ngang sumama e, pero sinama parin niya ako. Ayan tuloy! Parang nahihiya na ako. Tahimik kaming naglalakad dito. Ang mga tao, hayup at tonog ng mga nagbibinta lang ang naririnig dito. Sobrang tahimik namin. Mapapanis na siguro laway namin dito.

"About what I've said the last time we met. It's true. Napapag-isipan mo na ba yun?" Pagkatapos ng mahabang mahaba na katahimikan. He broke the silence and nagsalita na talaga siya. Akala ko pa naman hanggang sa pag-uwi namin. Ganito nalang.


"A..." 'D ko na tapos yung isasagot ko dahil he cut it by his words.

"Hindi naman kita minamadali. I'll wait for your answer kahit matagal pa yan." Sabi niya ulit.


"Yes, we can date." Hindi ako nagdalawang isip na sumagot. Napangiti ako sa sagot ko. NapaYES nalang ako. Ewan ko ba talaga.

Inatid niya ako dito sa tinutuluyan ko. Bubuksan ko na sana yung door ng kotse niya ng pinigilan niya ako sa kamay. Napalingon naman ako sa kanya. "I will open it for you." He said and he go out of his car.

I don't know what the hell is happening to me but I feel like damn, napangiti talaga ako sa ginagawa niya. Binuksan niya ako tsaka Lumabas. Such a gentleman.

"Thank you." Pagpapasalamat ko at ngumiti sa kanya.

Kinilig ako! Walang halong biro. Bakit kasi ganito siya eh. Ngumiti lamang siya at sumunod sa akin na pumasok.

"Goodnight. Thank you for this day."

Napangiti ako pero nawala yun at napalitan ng GULAT dahil sa ginawa niya sa akin. He kissed my forehead lang naman. Nang makabawi ako sa pagkagulat ay ngumiti ako.

"G-goodnight din." I managed to smile kahit gusto ko ng magwala. Gosh! Nakakakilig kaya yun. :)


◆◆◆◆◆◆
Vote and comments
#KeanJames<3

Can This Be Love? [COMPLETED] #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon