CTBL30

1.3K 49 21
                                    


"What?"

Ayy ano ba yan! Tumawa ako pero sumimangot siya sa sinabi ko. Joke lang naman yun. Hindi talaga to mabiro. Palaging sereyoso pero minsan urgh. Moody.

"Joke lang naman. Sa totoo, ang gwapo mo today at ang ganda ng boses mo kanina. Hindi ko nga maiwasan na mapapatitig sayo." I said while im smiling like idiot.

Nakita ko naman na unti-unti siyang ngumiti at bigla akong niyakap. Hindi pa naman ako nakayakap sa kanya ay kumalas na siya at hinarap ako na may ngiti. Tinignan ko lng siya at may kinuha siya sa likod niya. Ewan, di ko alam kung ano yun.

Unti-unting kumawala ang ngiti sa aking labi ng makita ko kung ano yung kinuha niya sa likod.

"Saan naman galing yan? Hindi ko naman yan nakita kanina ah?" Hindi parin nawawala yung ngiti sa labi ko.

Kinilig ako.

Binigay niya sa akin ang bulaklak. Isang bouquet na pink roses. Oo, yung binigay niya sa akin ay bouquet of pink roses.

( Tignan nyo yung flower sa multi media. Para alam nyo. ^_^ )

Akala ko nga kung ano yung nasa likod niya. Isa bouquet of flowers lang pala. Roses pa. Ang sweet niya.


"Secret, akin nalang yun. Basta ang mahalaga nabigyan kita niyan." Sagot niya sabay wink. Mukhang kamatis naman yung mukha ko sa ginawa niya dahil pulang pula na ako.

Akala ko ba, puro kasungitan lang ang alam nya? Anakng, meron pa palang ganito.

Inirapan ko siya pero joke lang naman. Ayaw niya kasi sabihin kung bakit. Pero okay lang. Ang sweet niya naman eh.

"Duh, Okay fine. Thank you." Sabay kuha sa dala niyang bulaklak.

Ang ganda ng bulaklak, walang halong biro. Maganda ang taste niya. Alam niya talaga ang hilig ng mga babae. Lahat naman siguro tayong mga babae, mahihilig sa ganito. Pero may iba rin talaga siguro. Ewan ko yun ang alam ko kasi.

"Makinig ka muna sa akin ha? May sasabihin ako. I know, nakakabakla ang gagawin ko ngayon pero sana naman malaman mo ito." He said seriously while staring at my eyes. Not bothering looking at the side.

Nakatitig rin ako sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko, yung free hand ko. Ito kasing isa remember, kinuha ko ang bulaklak. Tinignan ko yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko at tumitig ulit sa kanya. Kahit hindi masyadong liwanag. Alam kung namumula na ako.

Isn't it romantic? Yung kanina na may light na nakatutok sa kanya ngayon wala na. Ang nagsisilbing ilaw na lang ay yung isasabit pag christmas light pero white lahat ng lights nito. Hindi ko talaga alam kung merong tao na nanunuod sa amin or kami lang dahil para sa akin, siya lang at ako yung nandito. Itong moment na 'to ay hindi ko talaga makakalimutan. This is the most romantic that I don't want to forget.

Nagsimula na siyang tumikim. Senyalis na handa na siyang aminin o sabihin lahat lahat ng sasabihin niya. Kung ano man yun, wala akong pakialam. Pero kung para sa akin yun o about sa amin dalawa, edi may pakialam ako. Kung aaminin man niya na mahal na mahal niya ako? Alam ko na yun. Mahal na mahal ko rin siya.

"Chandellyzah Chao, my princess..." He paused and smiled at me.

Nakakatunaw talaga yung ngiti niya. Pero ano daw sabi niya? Uulitin nga natin.

"Chandellyzah Chao, My princess."

"Chandellyzah Chao, My princess."


Can This Be Love? [COMPLETED] #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon