Almost a month of dating and I honestly say that there's something inside my heart. At sa ilang weeks na yun ay maayos na ang pakikitungo namin sa isat isa. He always there for me, we are not official but our feelings are mutual.
Pero andaming paano sa utak ko,
Paano kung isang araw ayaw na niya sa akin?
Paano kung makahanap na siya ng mas better sa akin?
Paano kung sasabihin ko yung nararamdaman ko sa kanya?
Paano kung wala siyang nararamdaman sa akin?
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ang umakto ng maayos sa kanya. Yes, I'm already inlove with him. Maybe noon pa, pero hindi ko lang maamin amin sa sarili ko na inlove na ako sa kanya.
At now, We're here at his office. His busy writting and I'm busy too. Habang busy ako sa paggawa ay bigla kung nararamdamn na papalapit siya sa akin. THIS! Kumakalabog na naman yung puso ko, palagi na kasi 'tong nararamdaman ko.
Pag lumapit siya, pag kinausap niya ako, pag alam kung nakatingin siya sa akin o yung mga hawak lang niya sa akin. Kumakalabog na yung puso ko. Parang nagdidiwang pag nandyan siya. Hindi ko na talaga mapigilan 'to.
Tumingala ako at nakita kung nakatayo at nakatingin siya akin. Pilit kung tignan siya sa mata pero hindi ko talaga magawa. Mapaiwas ang aking mga mata sa kanya.
Kaya napabalik ako sa ginawa ko at ibinaling nalang dito. Kasi naman ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ako makakilos ng maayos dahil alam kung nakatingin siya sa akin.
"Let's talk." He said. Take note: Serious tone. Napatingin naman ulit ako sa kanya at nakita ko talaga na seryoso siya.
Ano na naman ang pag-uusapan namin? Pwede namn siguro dito kami mag usap right?
"Sure. Spill it." I answered na hindi ko siya tinignan. Patuloy lang ako sa paggawa.
Bigla naman niya akong hinawakan sa wrist ko at pinatayo kaya nabitawan ko yung bondpaper na hawak ko.
"Tss. Sandali lang, bitawan mo naman ako. Ano ba ang pag-uusapan natin? Pwede naman dun sa office tayo mag-uusap." Reklamo ko habang kinakaladkad niya ako. Nandito na kami sa harap ng elevator.
"Psh. Just shut up or else I'll kiss you in front of many people." He command kaya tumahimik nalang ako. Ayaw kung mahalikan niya'
Magtatalon talaga ako paghinalikan niya or mahihimatay? Masyadong OA. Ayaw kung halikan niya dahil baka di ko mapigilan at magwawala ako dito.
When the door is opened he grabbed my hand again at pumasok kami sa elevator. Tahimik lang ako at hindi mapakali dahil yung puso ko!!Nagwawala na. Kasi naman! Hindi niya kasi binitawan yung kamay ko.
Pilit kung bawiin ang kamay na hinawakan niya pero lalo niya itong hinigpitan kaya wala akong ibang ginawa kundi ang hayaan ko siyang hawakan ang kamay ko. Gusto ko rin naman eh. Napangiti ako ng palihim.
Nandito kami sa rooftop. Nakatayo kaming dalawa at nakatingin ako sa tanawin. Kitang kita ang buong syudad. Ang ganda. Ngayon lang kasi ako nakapunta dito sa rooftop.
"Do you still love him?"
Napalingon ako sa kanya. Still love him? Kung alam mo lang, matagal ko ng nakakalimutan si Seb. Siguro mahal ko siya as a friend but not as a man.
Ikaw ang mahal ko, ikaw yung nagpapatibok ng puso ko. Nagpapasaya sa akin. Nagpapakilig.
Ngumiti ako sa kanya. Pero hindi ako nagsasalita dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba yung nararamdaman ko. Natatakot ako na baka pag inamin ko ay wala pala siyang nararamdamn sa akin.
"Silent means yes." Nagsalita siya ulit. Kaya napakunot naman yung kilay ko.
Hindi ko na mahal si Seb. Ang mahal ko ay ikaw. IKAW! Yan sana ang sasabihin ko pero hindi maibuka ang bibig ko. Nanatiling nakatingin kami sa isa't isa.
Ang tahimik. Walang nagsasalita sa amin. Yung hangin lang ang nanatiling maingay dito at yung mga sasakyan sa ibaba. Gusto ko sanang sabihin na mahal ko siya. Pero wala akong guts to say that to him.
Hindi kami gumalaw, walang lumapit sa isat isa. Walang gustong magsalita. Nagtitigan lang talaga kami.
Aaminin ko ba? Paano kung hindi niya ako mahal? Hindi na muna siguro sa ngayon.
"Let's go down." I broke the silent. Ito na siguro ang last na pagkikita namin.
Oo mahal ko siya pero parang hindi tama. Ayoko man dito sa desisyon ko. Pero kailangan. Iiwas ako dahil natatakot ako na baka lumalalim ang samahan namin at tuluyan na talaga akong mahulog sa kanya. Ayaw ko ng maulit ang DATI. Ayaw ko ng umiiyak at masaktan.
Tama na siguro ang mahalin ko siya ng palihim. Tama na siguro ang nakilala ko siya sa ilang weeks na pagsamahan namin. Maghahanap ako ng ibang trabaho. Iiwasan ko siya hangga't kaya ko kahit masakit.
Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang nararamdamn ko. Baka aaminin niyang mahal parin niya ang Ex girlfriend niya.
Bumaba ako gamit ang hagdan. Hindi ako pumasok sa elevator. Gusto kung mapag-isip. Gusto ko mapag-isa. I wiped my tears using the back of my hand. Umiyak na pala ako.
Bakit ba kasi nafall agad ako. Hindi naman kasi siya mahirap mahalin. Dahil sa ipinakita niya araw-araw sa akin ay totoong totoo. Pinapasaya niya ako.
Pagkadating ko sa office niya ay kinuha ko agad ang mga gamit ako at dali daling umalis sakay ang taxi. Pagkadating ko sa bahay ay humiga agad ako at muling tumulo ang aking mga luha.
Vote and comments.
BINABASA MO ANG
Can This Be Love? [COMPLETED] #Wattys2016
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa salitang Forever? Kasi sa case ngayon, hindi lahat ng tao ay naniniwala sa forever. Mabibilang mo na lang ngayon ang mga tao na naniniwala sa mga salitang iyon dahil sa ka-bitteran , broken-hearted, one sided love or Third par...