Nalimpungatan ako dahil may tumapik sa aking balikat. Panaginip lang ba yun? Nagkwekwentuhan lang kasi kami pagkatapos ng kadramahan.
Totoo? Okay na ba kami?
Ano na ba yung status naming dalawa?
Ay agad agad? Pwede namang friends lang. Ganun. Inangat ko ang aking ulo at nakita ko si Seb na nakatingin sa akin na nakangiti. So totoo talaga na may sakit siya. Nakatulog kasi ako dahil siguro wala akong tulog kagabi.
Ngumiti ako sa kanya.
"Okay lang ba?" Tanong ko. Habang tinignan siya at tinulungan para makaupo ng maayos.
"Kanina ka pa ba gising? Gusto mo bang kumain ng prutas o kanin?" Tanong ko ulit, bigla naman siyang tumawa at pinisil ng bahagya ang aking ilong.
"You're so cute. Wala ka parin pinagbago. Ikaw parin yung babaeng mahal na mahal ko." Bumanat siya.
Kinilig naman ako sa banat niya. Sinapak ko naman siya sa balikat pero mahina lang."Jeez. Nagpapakilig kaba? May sakit kaba talaga o nag-aacting ka lang?" Natatawang tanong ko at umupo ng maayos.
Nabigla naman ako sa yakap niya kay napayakap nalang ako bigla sa kanya.
Why I'm so inlove with this man?
Akala ko, hanggang tingin nalang ulit ako sa kanya. Pero now? We're hugging each other.
"B-bakit B-bigla kang nangyayakap?" I asked with my voice cracking, stammering.
I scanned inside his room baka meron tao pero walang tao. Kami lang pala dalawa ang nandito? Ngayon ko lang napansin na kami lang pala ang nandito.
"Ngayon na yung surgery ko. Operation ko na. I hope magiging okay na ako." Ngumiti siya ng napakalapad. Yung masaya siya sa sinabi niya.
Bigla naman akong nalungkot dahil ngayon na yung surgery niya. Fighting Seb! I know, lalaban ka. I'll pray for you.
"Ayy Oo nga pala. Kain ka muna." Pag-aalok ko sa kanya at kinuha ang nasa lamesa na pagkain. Para ipakain sa kanya.
"Para naman may laman ang tiyan mo habang nasa operation stage ka." Dagdag ko at inihanda na ang mga nasa plastic na puro pagkain ang laman.
"ARAAAYY!" ang sakit ng noo ko. Eh pinitik lang naman nitong kumag, parang wala siyang sakit eh. Uupakan ko kaya to eh. Swerte nga lang siya at may sakit to. Ay kung wala! kawawa talaga to sa akin.
"Bakit mo yun ginawa?" I shouted and pouted. It's hurt, bigtime.
"Nothing. A beautiful crazy but you are really cute when you are pouting." Is he giving me a complement or he give me a judgement?
Nagtawanan lang kami at nagkwentuhan. Nang dumating na ang time para sa kanya. It's five in the afternoon. Hapon na at ngayon ang operation niya. I hope magiging successful yung surgery.
Naghihintay kami ng papa niya at yung ate niya dito sa labas ng operation. Nakaupo lang ako dito at yung papa naman niya ay walang humpay na palakad-lakad sa harap nito. Yung ate naman niya ay nakaupo rin na para bang may iniisip ng malalim. Siguro, iniisip niya yung kalagayan ng kapatid niya.
Tumayo ako at inalalayan yung papa ni Seb para umupo. "Umupo muna kayo, tito. We have to trust him nalang po." Tumango naman siya kaya napangiti ako.
Napatingin ako sa ate ni Seb at nakita kong umiyak siya kaya pumunta ako sa pwesto niya at hinagod-hagod yung likod niya. Naiiyak tuloy ako, ayaw ko pa naman umiyak dahil alam kung kakayanin ni Seb. I trust him. So kailangan ko ring I convince yung sarili ko na kaya kung magpapakatatag.
Nakasakay ako ngayon sa taxi. Papauwi na kasi ako, pinapauwi muna ako ng papa niya. Kasalukuyang nakatingin ako sa labas. Wala akong ibang inisip kundi ang kalagayan ni Seb. I have to be strong para sa kanya. Alam kung matapang si Seb, kakayanin niya yun. Kaya nga niyang magpanggap na malakas yun pa kaya?
I wiped my tears that fell in my cheeks.
"Nandito na po tayo maam." Biglang nagsalita ang driver kaya napatingin ako sa kanya at tinignan ulit ang paligid.Nandito na pala kami, nagbayad ako at nagpasalamat sa driver tsaka bumaba. Nilakad ko lang yung apartment ko dahil hindi rin naman makapasok yung ibang sasakyan. Pwera lang kung yung mga kotse o pagmamay-ari ng nakatira dito.
Gabi na pala. Mukhang nagpapahinga na yung mga tao dito. Wala na ring tao na gumagala. Habang malalim ang iniisip ko ay bigla kong naalala yung sinabi ni Kean slash Boss ko.
Totoo kaya yun yung sinabi niya?
Mukhang malabong mangyari yun. Baka nagbibiro lang siya. Pero hindi naman yun mahilig magbiro. Napailing nalang ako at natawa sa pinag-iisip ko.
Binuksan ko yung bag ko habang naglalakad. Kukunin ko yung phone ko. Titignan ko kasi baka maraming text sa Boss ko. Hindi pa naman ako nagpapaalam sa kanya. Hindi ko rin naisip yun kanina dahil dumiretso agad ako sa hospital.
BINABASA MO ANG
Can This Be Love? [COMPLETED] #Wattys2016
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa salitang Forever? Kasi sa case ngayon, hindi lahat ng tao ay naniniwala sa forever. Mabibilang mo na lang ngayon ang mga tao na naniniwala sa mga salitang iyon dahil sa ka-bitteran , broken-hearted, one sided love or Third par...