Chandellyzah's POV
Is she really his sister? Are they really siblings? I can't believe it. Mukhang mauubusan ako ng hangin dito. Di naman malayo ang mukha nilang dalawa but Gosh! Their attitude are so different.
"Oh? Bakit gulat na gulat kayong dalawa?" Biglang tanong ni Sab sa amin.
Oo nga naman. Nagulat din siya nang makita niya ako. Sympre sino ba naman ang hindi magugulat kung yung secretary mo nandito sa pamamahay niya?
Yes, My boss is the brother of this girl named Sabrina Kir.
"She's my secretary." Umalis siya sa harap namin.
"Magkakilala na pala kayo ni kuya ate?" Tanong niya nang makaalis ang kuya niya.
"Oo. Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Kunot noo kung tanong sa kanya.
Mukha kasi timang e, ngumingiti na parang ewan lang. Hindi ko maintindihan. Kung ano ang binabalak niya? Parang ganun.
"Nothing. Tara na?" She change the topic kaya nagsimula na akong maglakad palabas. Gabi na rin kasi. Baka matagal akong makauwi sa bahay —sa apartment ko.
"Ihahatid kana ni kuya ate." Bigla niyang sabi habang nakasunod sa likod ko. Huminto ako sa aking paglalakad ng banggitin niya ang KUYA.
"Wag na Sab, kaya ko naman umuwi mag-isa." Sabi ko sabay ngiti sa kanya. Hindi na kailangan pa na ipagdrive ako papuntang apartment.
Nakakahiya naman kasi tsaka kuya pa niya ang maghatid, e boss ko rin yun.
"Sige na kasi, wag ng umangal." Sabi pa niya at tinawag ang kuya niya.
"KUYAAAA!!" Sigaw niya at timing naman na lumabas siya sa kung saan man siya galing. Siguro galing sa banyo kasi basa yung buhok niya at may dalang puting towel.
Hays, nakakahiya naman kung ihahatid pa ako nito. Pwede naman akong magtaxi o magjeep nalang. Okay lang naman yun.
"What? Ano na naman Sab?" sabay upo sa sofa nila at kinuha ang remote sa gilid tsaka in ON ang TV.
"Ano kasi kuya, magpapahatid daw si ate sayo." Sabi niya at tumingin sa akin na malaki ang ngiti sa mukha.
Loka loka talaga siya. Ako pa yung dinahilan nya. Hindi naman ako nagpapahatid.
Ang lakas talaga ng trip niya. Nahiya tuloy ako sa ginawa niya pero napailing nalang ako at lihim na tumawa. Kahit nahihiya kana.
"Kaya na niyang umuwi, tsaka matanda niyan." Sabi niya habang nasa TV ang mga mata niya.
Grabe to, sarap niyang sapakin. Hindi ko alam pero napipikon ako sa kanya. Matanda na nga ako.
Wag niya lang sabihin at tsaka hindi naman ako ang nagsabi na magpapahatid sa kanya. Yung kapatid lang naman ang may pakana nito.
"Sab, Uuwi na talaga ako. Bye. I'll text you when I'm already home." Ngumiti ako sa kanya at tuluyan na akong lumabas sa bahay nila at naglakad patungo sa highway. Mukhang wala namang tao na gumagawa ng masama dito kasi may guards rin naman na nakabantay so it means, close ang lugar na to.
Madilim na at mukhang seven or eight pm na siguro. Habang naglalakad ako ay may bumusina. Tumingin naman ako sa likod at may sasakyan kaya umalis ako sa pwesto ko at tumabi tsaka huminto muna.
Mabagal naman yung pagpapatakbo ng kotse nya. Nabigla ako ng huminto sa harapan ko yung kotse. Natatakot ako pero nanatili parin akong nakatayo at tinignan ang nakahinto na kotse dito sa harapan ko.
Nakakunot ang aking noo ng biglang bumukas ang glass window at may dumunghay na gwapong lalaki ay este lalaki lang pala.
"Ayaw mo bang pumasok?" Tanong niya.
"No, but thank you. Magtataxi nalang ako. Kaya ko naman, matanda na kasi ako."
Inirapan ko siya ng palihim at nanatiling nakatayo parin. Nairita ako sa kanya. Pero bakit ganun? Bakit ganito yung inasta ko?
Yung galaw ko.
Nabigla ako ng binuksan niya ang pinto ng kanyang sasakyan at tinulak niya ako papasok.
"What the? Walang modo!" Biglang sigaw ko.
Nabigla lang naman ako. Kasi ikaw ba naman ang itulak. Hindi kaba maiinis o mabibigla. Umikot siya patungong driver seat at nagsimulang magdrive.
Ignore lang yung sinabi ko?
Aba! Walang galang talaga. Paano kaya to nakagraduate? E wala namang kagalang galang ang isa 'to. Kinuha ko ang seatbelt tsaka sinabit ko para hindi ako mapapaano kung ano man ang mangyari.
Ano ba yan, kung ano ano namang pumapasok sa isip ko.
"May bayad 'tong paghatid ko sayo."
Alam niyo yung ang tahimik at nakatingin lang ako sa labas at may biglang magsasalita.
Diba nakakatakot? Siya yun e.
Ano na naman? Anong bayad? Aysus. Kung bayad lang ang gusto niya, walang problema.
Bibigyan ko siya ng barya.
"Ahh, may bayad pala? Sure y not diba? Magkano ba?" Tanong ko at tumingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa dinadaanan namin.
"Wag kang magtanong ng magkano? Magtanong ka ng kung ANO?" Sabi niya at tumawa ng bahagya. Loko talaga 'to. Napaka! Ay wag na.
Minsan hndi ko siya maiintindihan.
"Geez. Diba sabi mo may bayad 'tong paghatid mo sa akin? Eh magkano ang sinagot ko."
Nakita ko naman siya ngumiti. Baliw ba siya? Hindi ko na lang pinansin at nagsalita ng...
"Samantalang, hindi naman ako nagpapahatid sayo." Dagdag ko dahil hindi naman siya umimik. Sinabi ko yan pero hndi naman kalakasan ewan ko lang kung narinig niya.
Tumingin nalang ulit ako sa labas. Tumingin ulit ako sa kanya at nagpapasalamat.
"Thank you, sir."
Tinanggal ko yung seatbelt. At bubuksan ko na sana yung pinto ng kanyang kotse nang bigla nalang niya akong hinawakan sa kamay— sa wrist ko.
"Oh? Bakit?" Takang tanong ko sa kanya at tinignan ang kamay niya sa wrist ko.
"Nagthank you na ako diba?" Sabi ko ulit.
Really weird. He's weird.
"Ah, nothing." Sagot niya.
Tch. Wala naman pala eh, minsan mukha TALAGA siyang timang. Napapailing na nalang ako at lumabas sa kotse niya.
Paglabas ko ay tinignan ko siya at ngumiti ako sabay talikod.
"I'll be here at eight in the morning. Be prepared."
Narinig ko siya, pero hindi nalang ako tumingin sa kanya. Naglakad ako papunta sa gate at narinig ko na yung paghuhurot ng kanyang sasakyang signal na umalis na siya.
Kaya tuluyan na akong pumasok. May gate kasi kaya nga apartment eh. Pero papasok na sana ako sa tutuluyan ko ng mapansin kung bukas yung ilaw.
Bigla akong kinabahan dahil baka magnanakaw ang nakapasok, O serial killer.
Ano daw? Serial killer?
Agad-agad akong pumasok at napansin ko ang lalaki na nakaupo sa mesa.
Anong ginawa niya dito?
Bakit siya pumunta dito?
Baka mali lang yung room na pinapasukan niya o baka naman mali yung napili niya. Urghh...
"Bakit ka nandito?
•¥•
A/N: Sino kaya?
End of Chapter 15.
VOTE & COMMENT <3
BINABASA MO ANG
Can This Be Love? [COMPLETED] #Wattys2016
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa salitang Forever? Kasi sa case ngayon, hindi lahat ng tao ay naniniwala sa forever. Mabibilang mo na lang ngayon ang mga tao na naniniwala sa mga salitang iyon dahil sa ka-bitteran , broken-hearted, one sided love or Third par...