Chandellyzah's POV
"Oo, may nangyari sa amin kagabi."
Nalaglag ang aking panga sa nalalaman at naririnig ko. Ayaw ko man paniwalaan pero parang totoo at mukhang nagsasabi siya ng totoo.
"Believe it or not, meron akong copy. May nangyari sa amin. Nalasing kami kagabi, at di sinadyang nalasing kaming dalawa at may nangyari nga."
Hindi na kinaya ng mata ko kaya tumulo na siya. Hindi ko matanggap na may nangyari talaga sa kanila.
Tumingin ako kay Kean at mukhang totoo nga ang sinabi ng babaeng 'to. Sumikip yung puso ko. Sobrang sakit.
"I'm sorry. It was an accident. I'm sorry."
Hindi ko na marinig lahat ng sinabi ni kean. Mas lalo akong humagulgul dahil totoo talaga. Wala na akong ibang narinig kundi ang salitang "IM SORRY" na galing sa bibig niya.
Aakmang yayakapin niya ako ay sinampal ko siya. Ganito nalang ba ang love story ko? Ang lokohin? Pisteng pag-ibig nato.
"MAGSAMA KAYONG DALAWA. MANLOLOKO KA!" Sigaw ko sa kanila at lumabas ng tuluyan.
Naglalakad akong umiyak sa daan. Yung masaksihan mo ang kababoyan nila. Yung malaman mo na may nangyari pala sa kanila at galing sa bibig ng manlolokong yun? Tangina!
Ang sakit. Ang malas ko naman sa pag-ibig. Sana hindi nalang ulit ako pumasok. Para hindi ako masaktan ulit. Pero huli na, nasaktan na nga ako.
Namamaga ang mga mata ko habang nakaupo dito sa bench. Umaagos parin yung butil butil na luha ko.
Hindi ko matatanggap. Hindi ko matatanggap na maghihiwalay kami dahil dun lang, tatanggapin ko ulit siya kahit may nangyari na sa kanila.
Babalikan ko siya. Hindi pa naman huli ang lahat dahil hindi pa kami hiwalay. Bumalik ako sa office niya at nakita ko ang lalaki na mahal na mahal ko na nakaupo at tulala. Tumulo na naman ang luha ko. Niyakap ko siya. Alam kung nabigla siya kasi gumalaw na siya. Hindi siguro niya napansin na nandito ako at hindi siya nag expect na bumalik ako.
"Kean, I'm sorry. Nabigla lang ako kanina. Hindi pa naman huli ang lahat diba?"
"Pwede pa naman 'to maayos diba? Tatanggapin kita ulit. Matatanggap kita, dahil mahal kita."
Alam kung mahal ako ng lalaking 'to. Pero bakit ganun? Parang nakita ko sa mata niya na aayaw na siya. Hinawakan ko ang mukha niya gamit yung dalawa kung kamay. Kinulong ko yung mukha niya at hinalikan. Nararamdaman kung namamasa yung mukha niya. Humiwalay ako at niyakap ulit siya.
"I-I'm sorry, Chan. May nagawa akong kasalanan sayo. Wag ka ng bumalik. Maghiwalay na tayo."
Bumagsak ang aking balikat sa narinig kong salita galing sa kanya. Masakit. Lalo na't galing sa kanya. Tatanggapin ko naman siya at handa akong patawarin siya. Bumalik nga ako dito dahil alam kung nangyari na ang lahat at pwede namang balikan diba?
"A-ang d-dali mong sumuko. Bakit Kean? Bakit? Mahal mo na ba siya? Atter may nangyari sa inyo?"
Mas lalong pumatak ang mga luha na kanina ko pang pinipigilan na bumalik ang katotohanan nga may nangyari sa kanila.
"Kean, heto ako, bumalik. Heto ako, bumalik dahil mahal kita. Wag ka namang ganyan."
Alam ko na ang tanga ko na ngayon. Bago palang naman, pwede pa naman to maayos.
"I'm so sorry, Chan. But let me go. I have to do this." Tumayo siya pagkatapos ay tinayo niya rin ako.
"Let's say our goodbye's. Mahal kita, Chan. But let's break up. Hindi na pwede. Kakalimutan nalang natin ang naka-"
BINABASA MO ANG
Can This Be Love? [COMPLETED] #Wattys2016
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa salitang Forever? Kasi sa case ngayon, hindi lahat ng tao ay naniniwala sa forever. Mabibilang mo na lang ngayon ang mga tao na naniniwala sa mga salitang iyon dahil sa ka-bitteran , broken-hearted, one sided love or Third par...