IKASAMPUNG KAPITULO

287 21 3
                                    

IKASAMPUNG KAPITULO

"Ako lang 'to, mga bata." sabi ni Manang Pasing nang sumigaw silang lahat.

Kumalma naman sila at napabuntong hininga. Akala kasi nilang lahat ay katapusan na nila.

"Manang Pasing! Patay na po si kuyang driver!" sabi ni Joanna.

Gulat ang unang reaksyon ni Manang Pasing then naging malungkot ang ekspresyon nito.

"Ganun ba. Sige, tatawag ako ng pulis bukas. Pero pwede bang pakisabi sa'kin ang nangyari? Nasaan ang bangkay niya?" tanong ni Manang Pasing.

Ikinwento naman nila ulit kay Manang Pasing ang nangyari.

"O siya, matulog muna kayo. Bukas ay agad nating aayusin at pag-uusapan ang nangyari. Sa ngayon, matulog muna kayo at magpahinga. Sige, mauna na ako." sabi ni Manang Pasing at lumabas na ng kwarto nila.

"Sa tingin ko, hindi ako makakatulog." bulong ni Pauline kay Cricel.

"Ako din eh." sagot nito sa kaibigan.

"Girls, dito muna kami makikitulog ha?" anunsyo ni Mark Jayson.

"Sige, ayos lang, basta sa lapag nalang kayo." sabi ni Xian. "At bawal magtabi ang lalaki at babae. Please lang, guys. Wag kayong malibog."

"Awww!" biro ng mga boys.

"Sayo pa talaga nanggaling yan ha?" natatawang sabi ni JM.

"Heh!"

***

"Ano?! Wala pa rin ang mga pulis?!" histerikal na tanong ni Joanna.

"Yeah. Kagabi pa daw sila tinawagan ni Manang Pasing gamit yung landline pero hanggang ngayon wala pa din." sagot ni Fran.

"Guys?" tawag ni Fren. Napatingin naman sila dito. "Tingin ko, kailangan na nating umalis dito."

"Anong ibig mong sabihin, Fren?" tanong ni Chyarrel.

"I mean, look, namatay na si kuyang driver. Hindi natin ma-contact ang parents natin. Tapos wala pang dumadating na pulis hanggang ngayon. Hindi na safe dito." paliwanag niya.

"Tama si Fren. Kaso paano naman tayo makakaalis? May marunong ba magdrive ng bus dito?" tanong ni Chanel.

"Si Smile, marunong magdrive!" sabi ni Ronalyn.

"Sira ka ba, Madz?! Marunong lang ako magstart ng kotse!" gulat na sabi ni Smile.

"Tsaka mas lalo yatang delikado yun! Haha!" dagdag pa ni June Alliah.

"Uh, guys, may sira yung bus." anunsyo ni Stan Ley.

"What?!"

"Bukod sa butas yung mga gulong, putol-putol yung mga wirings sa loob. Parang sinadya 'to. Tsk." sabi ni Christian Oliver na naka-recover na kagabi. Tinitignan niya yung bus dahil naisip niya din yung ideya ni Fren.

"Ang malaaas! Humanda talaga sa'kin dito yung may balat sa pwet!" sigaw ni Quincy habang tinawanan naman siya ng iba.

"Ano nang gagawin natin?" nanlulumong tanong ng lahat.

Napabuntong hininga naman sila. Sumagot ang mga banal sa section nila,

"Ano pa nga ba? Edi ang manalangin."

Nabasag ang katahimikan nang may marinig silang sigaw.

"OH MY GOSH! RENZ!"

Agad na napatakbo sila sa pinanggagalingan ng boses ni Andrea na sumisigaw.

"Ano?! Anong nangyari kay Renz-" Napatigil silang lahat nang makita ang katawan ni Renz na nakabigti. Ang ginamit na pambigti sa kanya ay ang lubid na nasa basketball ring.

"RENZ!"

+++

Basketball pa kasi. Dejk. XD

MANSION 49 (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon