IKAANIM NA KAPITULO

343 31 5
                                    

IKAANIM NA KAPITULO

"Hi, kids! So kamusta naman ang stay niyo dito so far?" tanong ni kuyang driver nang makarating siya sa dining area. Napakunot ang noo niya nang mapansin ang gloomy aura ng mga kasama at nang mapansin ang walang malay na si Smile na nakahiga sa sofa.

"Maayos naman po." sagot ng boys. At nagtawanan pa just to lighten up the mood.

Hindi nagtagal ay naging maayos na din ang pakiramdam ng girls dahil sa pagbabatuhan ng mga jokes at kalokohan ng mga boys.

Ito yung mga moments na sobrang useful ng mga mapagbirong mga lalake.

Nagkakasiyahan at nagtatawanan na sila nang biglang..

"AHHHHH!" sigaw nilang lahat maliban kay kuyang driver.

"Oy, guys! Quiet! Wag naman kayong ganyan!" saway sa kanila ni kuyang driver. "Guys, eto nga pala si Manang Pasing. Siya ang care-taker ng mansion na ito."

Dahan-dahang ngumiti si Manang Pasing. Iniangat niya pa ang hibla ng kanyang mahabang bangs dahil hindi niya makita ang mga ito. "Kamusta, mga bata?" tanong niya sa mga ito.

"M-maayos naman po." magalang na sagot nila. Yung ibang natakot naman ay alanganing ngumiti sa matanda.

"Si Manang Pasing din pala ang nagluto ng kakainin natin ngayon! Masarap siya magluto, promise!" sabi ni kuyang driver.

Agad namang nagpaunahan sa pagpunta kay Manang Pasing ang mga patay-gutom na hawak-hawak ang kanilang mga pinggan at nagsikuhanan ng makakain sa cart na tulak-tulak ni Manang Pasing kanina.

"Mm! Ang sarap!"

"Bilisan niyo dyan, oy! Mauubusan kayo!"

"Paabot naman nung ketsup!"

"Isa pa ngang rice!"

"Oy, Renz, wag mo ubusin yung pagkain! Nakaka-ilang balik ka na!"

"Ikaw din, JM!"

"Hayaan niyo siya. Gusto niyang mas lalong tumaba eh. Baboy."

"Aray ha!"

Habang nagkakagulo ang karamihan sa pagkain ay napansin naman nito si Smile at sina Marielle na nagbabantay sa kanya.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong niya kina Marielle.

Tinignan siya ni Marielle bago sumagot. "Sinapian po yata tapos nahimatay." Kinuwento niya ang buong pangyayari.

Nagulat si Manang Pasing sa narinig. Kinakabahan na siya. Naaawa siya para sa mga batang ito.

Hinawakan niya si Marielle sa magkabilang balikat nito.

"Umalis na kayo dito. Umalis na kayo bago may mangyari pa ulit na ganito." banta niya.

Naguluhan si Marielle. Kumunot ang noo niya. "Ano pong ibig mong sabihin?"

"Papatayin niya kayo. Kailangan niyo ng umalis bago pa-"

"AHHHHHH!"

***

"So biglang nagkaroon ng black out. Saglit lang naman 'to kasi aayusin ko. Baka nagkaroon lang 'to ng sira sa fuse. Aalis na ako. Behave kayo ha. Kapag may kailangan kayo, tawagin niyo lang si Manang Pasing." bilin ni kuyang driver bago umalis.

"Guys.." Tawag ni Renalyn sa mga kaklase niya na pabalik na ng room.

"Oh? Bakit?" tanong nila.

"Realtalk. May nakita na talaga akong naka-angkas sa likod niya." sabi ni Renalyn. Medyo nanginginig siya at naiiyak na. Tinapat niya ang flashlight na hawak niya sa kanila.

"Renalyn, wag ka ngang magbiro!" sita sa kanya ni Joanna. Hindi na siya natutuwa sa mga ganoong biro.

"Hindi ako nagbibiro! Nakita ko nga! Nakatingin pa nga sa'tin eh!"

Dahil dun ay kinilabutan na silang lahat.

+++

Goosebumps. XD Tinatakot ko na sarili ko. :(

MANSION 49 (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon