IKALABING-ISANG KAPITULO
"RENZ!"
"TANGNA!"
"SINONG GUMAWA NITO SAYO?!"
Agad-agad nilang ibinaba si Renz mula sa pagkakabigti. Hingal na hingal ito at napapapikit na. Kitang-kita ang sugat na nasa leeg niya dahil sa pagkakabigti sa kanya.
Buti nalamang ay nakita kaagad siya ni Andrea kung hindi ay matagal na siyang pinaglalamayan.
"Renz, ayos ka na ba?! Sumagot ka!"
Ang pinaka-nag-aalala para sa kalagayan ni Renz ay ang mga kabarkada nito. Hindi sila sanay na makita itong halos naghihinalo na.
"Tawagin niyo si Manang Pasing! Kailangang magamot ni Renz!"
Binuhat si Renz ng mga boys papunta sa sala ng mansion, nakasunod naman sa kanila ang mga girls na umiiyak dahil sa takot na may mamatay ulit.
At muntikan na nga. Si Renz.
"R-Renz.." Umiiyak na sambit ni Andrea. Hindi siya makatingin dito habang ginagamot ito ni Manang Pasing.
"Ano bang nangyari?" tanong ni Manang Pasing.
"N-Nakita nalang po namin siyang nakabigti doon sa may basketball court kanina. H-Hindi po namin alam ang nangyari. S-Si Andrea po ang unang nakakita sa kanya." sagot nila.
"Andrea, ano bang nangyari kanina?" tanong ni JM kay Andrea na patuloy pa din sa pag-iyak.
"Mamaya niyo na siya tanungin!" sigaw ni Joanna sa mga kaklaseng lalaki na tanong ng tanong kay Andrea.
"Wag mo nga siyang pagtakpan! Malay ba natin kung siya ang may kagagawan ng lahat ng 'to! Malay niyo siya ang pumatay kay kuyang driver at siya din ang nagtangkang pumatay kay Renz?!" sigaw ni France.
"FRANCE!" sigaw nila Smile.
"H-Hindi magagawa ni Andrea 'yon!" pagtatanggol ni Joanna.
"Paano kung kaya niya pala?! Ha?! Ano, Andrea?!" sigaw ni France na galit na galit.
Hindi makatingin sa kanya si Andrea, patuloy lang ito sa pag-iyak.
"SUMAGOT KA!" Hinila niya ang braso nito pero bago pa niya ito maiharap sa kanya ay sinampal na siya ni Smile.
Natahimik ang lahat.
"Pwede bang kumalma ka lang muna? Hindi naman makakatulong ang pambibintang at pagsisigaw mo! Bakit hindi ka nalang matuwa na hindi naman nalagutan ng hininga si Renz?!" sermon ni Smile.
"Tama si Smile. Kumalma lang kayo. Lalo ka na, France." sabi ni Pauline. Tumango-tango naman sina Christian Oliver at Cricel.
"Tsk!" Inis na nagwalk-out si France. Napa-iling naman si Smile sa inasal niya at sinundan ito kasama sina Ronalyn at Marielle.
"P're! Ayos ka na ba?" tanong ni Hope nang makitang dumilat si Renz.
Tumango lang si Renz at nakatulog ulit. Nakahinga naman ng maluwag ang magkakaklase.
Natakot at kinabahan sila kasi akala nila ay mababawasan na sila.
Sabi nga ng teacher nila, hindi buo ang Perlas kung mawawala ang isa sa kanila.
Kaya kung 49 sila nang pumasok sila sa mansion na 'to, gusto rin nilang 49 pa rin silang lalabas ng mansion na 'to.
+++
The end. Dejoke lang! HAHA! Sorry, Renz, kung ikaw ang napagtripan ko. Huehue!
BINABASA MO ANG
MANSION 49 (2016)
Misterio / SuspensoUNDER MAJOR REVISION Normal na mga estudyante lamang sila mula sa section ng Perlas na nagbalak na magsama-sama upang magsaya. Ngunit sa kalaunan ng kanilang pananatili sa isang mansyon sa kakahuyan ay unti-unti ang pagsaksi nila sa mga 'di pangkara...