Lesson 1

622 14 8
                                    

I. Quadratic situation, she’s linear

 

Atat ako =__= Kasi naman ito laman ng utak ko mula kaninang alas tres. Badtrip. So this is the first entry. I was reviewing Trigo, prelims kasi bukas at may pagka-GC ako dahil nga you know sa ngalan ng pagkatuto at pag-unlad ng bansa ko. De honor student eh. (medyo mayabang talaga!) Sarreh naman!

Biglang nagbeep ang di ko sosyaling selepono. Nag-text ang kaibigan ko. And I was on the middle of memorizing the steps kung paano i-solve yung quadratic roots ( I hate memorization. Sumasakit ang utak ko at puso pati tiyan, nakakagutom eh.)

Nagtext siya. Dahil siya ay may natatanging pagtingin sa kanyang best friend na best friend ko rin. Gwapo yun! Hahaha! Maniwala kayo kahit mukhang poste sa tangkad yun gwapo at matalino! PolSci kukunin eh. Batang UP daw siya. Edi sya na. Magaling gumawa ng Think Piece namin pero mas magaling ako! Wahahahaha!

Eh, ayun so nagtext nga siya “Kailangan ko talaga ng masasabihan. Mamatay na ko dito e.” Yan ang eksaktong sinabi niya. Medyo, nainis ako. Pero keri lang, kaibigan ko e. Nainis ako dahil yun na naman ang sasabihin niya. Ohmydee. Nung isang araw niya pa sinabi yun. And I keep on advising her na i-divert niya yung atensyon niya sa iba para makapag-concentrate siya, exams namin e. Dati ko pa naman alam na may LNP (Lihim na Pagtingin)  siya kay Best friend. Pero loko lang yun, at first. Pero yung babaeng ‘yun mukhang natuluyan nagkagusto na. E, si Best friend may iba. Kilala ko yung babaeng yun e, di siya nadadaan sa pa-sweet na comfort ( and I’’m not the type of friend na sweet magcomfort, hard ako magsalita pero may love at sense, sabi nila yun di ako nagbubuhat ng chair ah. )

“You really know how to push the button. Study hard, play hard later na si heart.” Text ko sa kanya, nakalimutan ko na yung iba kong sinabi pero one thing’s for sure naiinis na ako nung time na yun. Kasi, wala siyang kopya ng pointers tapos lablayp ang iniintindi. I get it naman na wala akong karapatan na mangielam sa lablayp niya pero kung pababayaan niya yung pag-aaral niya. I swear in GTech’s name, di ako makakapayag. Dakilang epal ako sa tropa, ako yung kaibigan na sabog pero nasa top. Ako yung sinabi nilang petiks pero maintain ang grade. At dahil kaibigan ko, pinagalitan ko sa text, nagtampo pa nga eh. Pero wala pang limang minuto bati na kami. She say sorry and I say mine, too. Ganoon naman talaga di ba? Then, balik na kami sa dati, sabi niya umamin na siya kay Best friend, ang sagot. “Joker daw ba siya.” Sinabi niya sa ‘kin. Sagot ko. “Aw, friendzoned.” Pero wala akong narinig na reklamo, kilala niya ako. Hard talaga ako pagdating sa ganyan. Di ko rin alam. Pero sa kabila nun, lagi silang naghihingi sa ‘kin ng advice. Abnormal nila no? E, ano pa ko? Hahaha!

“Hindi naman ako humihingi ng kapalit. Ayos na sa akin yung one-sided love. Sanay naman ako e.XD” Sagot niya. Napangiti ako kahit hindi niya nakikita. Alam ko naman na nasaktan siya. Madami na siyang napagdaanan na ganyan ewan ko ba sa kanya di pa rin natuto. Pero, sino ba naman ako para magsabi nun? I’ve never been in her situation. Stone heart ata ako. Hahaha! Pero napaka-brave niya. Ako ata ang first love ko ay libro. Kambal ko ang numero at letra. Abnormal yata ako. Sumobra sa talino. Sumobra rin sa hangin ayan nalalag sa kanal. Dejk. Serious na, dahil math ang nirereview ko nung time na ‘to ‘yan ang title. Bakit? Nasa quadratic situation siya, just like quadratic equation, 2 is the highest degree of polynomial. Pang dalawa lang e, tatlo sila di ba? Dahil may ibang gusto si Bestfriend. So di pwede. Linear na siya dahil one-sided daw. Pero quadratic pa rin naman e, nandito kaya ako. Pero di kami talo. Best friends forever kami kahit di sila naniniwala roon. Pero ako naniniwala ako sa forever, call me hopeless, I don’t care. I might be hopeless but at least I dare to be one.

Paano Ang Hindi MagbasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon