Lesson 6

164 6 2
                                        

VI. Trust Issues 

Inis na inis ako!!! Sa puntong di ko na ma-distinguish kung sarcastic pa ba ako o seryoso na talaga. Bakit pa kasi kailangang sabihin ang isang bagay na hindi dapat malaman ng iba? Nasaan na ang secrecy sa samahan? Okay lang sana kung malaman nila eh. Ang kaso, sinabi pa sa iba, nag-GM pa, nagtweet pa. Kung sa maliit na bagay na iyon ay hindi na sila mapagkakatiwalaan paano pa kaya sa malaking bagay? 

Mga tao ngayon masyadong masalita. Mahadera ba. Sabi nga nila, there are things that you should not tell others even the closest one. May mga bagay na dapat lang sabihin sa takdang oras at pagkakataon.  

Hay. Lagi akong kalmado sa mga ganitong sitwasyon pero kanina nabadtrip talaga ako. Sobrang sarcastic na ng pananalita ko sa kanila. Corps kasi ako and it just hurt when one of your officers broke your trust. TIWALA. KATAPATAN. 'Yan ang pundasyon ng isang samahan. Nakakainis na dahil lang sa isang simpleng bagay nasisira pa nila ang isang bagay na sobrang tagal bini-build. 'Yung family ko kasi tiwala ang puhunan sa lahat ng bagay. My parents met an old man, nanghingi lang siya ng tubig kila Nanay and my mother, being a good citizen of this country, gave him a glass of water at may iniwan na isang bag. Tapos, days after, bumalik siya, inalok niya 'yung parents ko na magwork sa company nila sa Manila. Instant income. TIWALA kasi ang naging puhunan. Nakita siguro nung matanda na mabait ang mga magulang ko. Meron pang isa, Cebuano ang Tatay ko, tapos may nakilala siyang manager ng mga sasakyan na Cebuano rin, nagkapalagayan ng loob. Akala ni Tatay, biro lang na gagawin siyang Authorize Outlet, pero to my Father's shock, binabaan nga siya ng mga sasakyan. No money involved. TRUST. TIWALA LANG. That's why sobra kong tinetreasure kapag pinagtitiwalaan ako. Kasi kahit hindi kami mayaman, may kredibilidad akong maipagmamalaki. NAKAKA-AMP LANG KAPAG SINISIRA ITO NG IBA!!!  

Being a credible person is something that we can be proud of. Why? Because in this world full of mouths that talk and very few heads that think, being reliable can make a change.

Paano Ang Hindi MagbasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon