IX. Me and MY BOOKS
Uod ako sa libro. Ano nga bang nakukuha ko rito? Bukod sa napapagastos ako sa isang bagay na dalawang oras ko lang babasahin? Ano pa ba?
Noong isang araw, nagwithdraw ako ng pera sa Nanay ko. Oo, may pinauso kasi ang nanay ko na epektib lang tuwing summer. Pipindutin mo ang mukha niya na parang sa ATM at kapag ngumiti siya ibig sabihin noon pwede kang bigyan ng pera or in may Tito’s word may laman. Kapag dumila sa iyo ibig sabihin zero balance ka na. HAHAHA! Cool di ba? So hayon, humingi ako ng Php 100 kay Nanay at binigyan naman niya ako.
Sumama ako sa Tatay ko na pumunta sa Poblacion dahil may kukunin raw siyang aso. Bibili ako ng libro, may natira pa naman akong pera kaya isandaan lang ang hiningi ko kay Nanay. Sinabi ko sa Tatay ko na idaan ako sa bookstore.
Ang sabi ba naman niya, “Bibili ka ng libro no? Magsasayang ka lang ng pera dyan.” Tinignan ko ang Tatay ko, ‘yung pang malditang tingin. Oo, kahit Tatay ko siya minsan naa-abno rin ako at pakiramdam ko magka-age lang kami. Pero binawi ko rin baka iwan ako eh. Ang sagot ko na lang, “Kaysa magdrugs.”
Nang nasa bookstore na ako, na paborito kong Tambayan lalo na kapag uwian kasi kinakalkal ko ‘yong mga libro roon, kahit nasita na ako minsan dahil ‘yong may mga may balot pa na libro eh binubuksan namin. Kasi naman ‘yong ibang books walang description sa likod napa-isip ako. Bakit nga ba ako bumibili ng libro?
At hey, I support Filipino writers ah, though paborito ko talaga si John Grisham, Paulo Coelho, Veronica Roth eh, mahal ko ang akdang Pinoy. Fan nga ako ni Rizal at Emilio Jacinto na gumawa ng Kartilya ng Katipunan eh.
Kidding aside, mahal ko nga ang akdang Pinoy. Lualhati Bautista, Eros Atalia, Tado Jimenez, Bob Ong at ilang published author dito sa wattpad. Pero ang pinakapaborito ko ay si Bob Ong. Ewan, I just like his logic about things kasi pakiramdam ko sa mga gawa niya nababasa ko ang sarili ko, ‘yong isang tipikal na Pilipino na maraming saya, hikahos at kaabnuan sa buhay.
Anyways, bakit nga ba ako bumibili ng libro? Una at huling rason, dahil kasiyahan ko ito. Ito ‘yong masasabi kong luho ko sa buhay. Mahilig akong magbasa. Kahit madilim magbabasa ako pero wag ka ginagaya ko yaong nasa mga palabas na naka-flashlight sosyal me ‘no! Masaya ako, kaya nga ng dinala ako sa book sale ng nanay ko halos ayaw ko ng umuwi, kung pwede ko lang iuwi ang mga libro roon iniuwi ko na. Parang isa akong bata na sabik sa laruan.
ME and MY BOOKS. Kung sa tingin niyo tanga ako, well, sorry na lang dahil sa opinyon ko uod man ako sa libro, uod pa rin. HAHAHA! Konek? Hanapin mo!!!
Alam kong hindi pagiging tanga ang pagbili ng libro. Kaysa mag-drugs ako di ba? O kaya maglayas at pumunta sa dagat? Eh di bumili na lang ng libro, umupo sa sulok at magbasa para makadiskubre ng kakaibang mundo sa likod ng mga pahina na matiyagang sinulat ng mga makata na dapat saluduhan gamit ang dalawang kamay.
Kung hihirit pa kayo at sasabihing tanga ako dahil nag-iinvest ako sa mga libro, sa mga papel na pwedeng maging abo kapag nahuli ang mga bumbero sa pagpatay ng apoy, nagkakamali kayo.
Dahil kahit papel lang ‘yon, naiimpluwensyahan noon ang pagkatao ko, sa kapirasong librong iyon lumalawak ang pang-unawa ako. Natututo ako ng mga bagay na pwedeng ikaunlad ng bansang ito.
Kaya kung ako sa inyo! Tigilan ang pagdodota, tangkilikin ang mga obra ng mga Pilipinong manunulat sa ngalan ng paglaya’t pagkatuto!!!

BINABASA MO ANG
Paano Ang Hindi Magbasa
No FicciónHindi naman lahat ng nakakabasa nakakaintindi, so paano ba ang hindi magbasa para makaintindi? © ubiquitous_stories