Lesson 15

122 3 0
                                    

XV. Sarcasm is  harthart! <3<3

Nakasulat naman sa 'about me' ko na sarcastic ako but it doesn't mean na masama ang ugali ko, I'm not being defensive. I am stating a fact.

Kanina namalengke kami ng nanay ko. May family outing kasi kami bukas. Nagpunta muna kami sa isang store kung saan kami bumibili ng mga panggamit sa bahay like fabric softener, sabon, pulbos, shampoo and everything na di mo mabibili sa mga suking tindahan. May nakita akong bagong product nila, lotion yata 'yon. E, experimental kami ng mahal kong nanay kaya ng tinuro ko yun sabi niya i-try daw namin. Edi push! Kumuha si Nanay ng dalawa tapos pinahawak niya sa 'kin. Tapos bigla akong sinita noong isang tao roon.

"Mam! Kinuha niyo 'yan?" Tanong ni kuya.

"Kuya, hawak ko di ba? So kinuha ko." Wala sa loob kong sagot.

Sa totoo lang, naisip ko lang yung sagot ko ng sikuhin ako ni Nanay . Tapos, yung kasama niya biglang sabi 'ah ganon?' Di ko na lang pinansin. Hindi ko naman siya kilala. At dahil di ko nga sila kilala, madali kong nakalimutan ang mukha nila. Promise! Maniwala ka at sa hindi yung mukha ng lalaking binara ko, pag talikod ko nakalimutan ko na agad. Kaya nawirduhan ako noong may kumaway sa 'kin bago kami umalis. I just shrugged.

Nagpunta naman kami sa bilihan ng gulay, nakakita si nanay ng talong, balak yatang magtorta. Mukhang mataray yung tindera.

"Kinse kalahati."

"Bente singko, isang kilo." Tawad ng nanay ko.

"E, maganda kasi 'to." Medyo parang sarcastic siya.

Kukunin na sana ng nanay ko kaso hayun sinarcastic siya, nainis yata. Tumalikod tapos  tinaas ni nanay yung kamay niya sabay sabing, "Bibilhin ko ba 'yon kung panget?" *sarcasm here*

Tawa ako ng tawa habang naglalakad, alam ko na kung bakit ganito ako.

Pumunta naman kami sa meat section, ang daming tao at napakainit pa. Di naman ako maarte pero yung balat ko nag-iinarte, nagrarashes na sobrang pula. Nagoobserba ako sa paligid habang nakatitig ako sa ulo ng baboy na nagnonosebleed habang nakasabit e, may napansin ako. May mali sa  tindera nalilito ako kung alin ang paninda. Chauce! Dejk.

May mali talaga, MALI yung timbangan nila. Bumili ang nanay ng isang  kilong baboy, Php 202 yung amount, nag-discount ng dos, sarado Php 200 ang binayaran ni Nanay. Hawak ni Nanay yung supot, tinignan ko naman, mahilig akong kumain at magluto kaya sigurado ako ng sinabi ko kay Nanay na walang isang kilo yun, sinang-ayunan naman niya ako.

Ang ginawa namin pinakilo namin doon sa katapat na tindahan at oh boy! kulang ng tatlong guhit para mag-isang kilo! Syempre, bumalik kami ng nanay ko, nak ng! pare-pareho tayong nilalang ng Diyos tapos ganoon?!

At ang malupit nanay ko pa ang sinisi, sumingit daw kasi kaya nalito yung tindera. Kulang na lang magtawang demonyita ako sa harap niya. KAYA NGA KAMI SA KANYA BUMILI KASI ISA LANG ANG CUSTOMER NIYA. PANGALAWA lang kami. DALAWA silang tindera at may butcher naman sila! Tig-isa sila ng customer. May tindahan kami, sabay-sabay bumibili ang limang customer, ako lang ang bantay pero hindi ako nalilito. PINAGLOLOKO NIYO BA AKO?

Nainis ako lalo dahil kunwari pa na may discount na dalawang piso e, may pailalim pala na thirty five pesos. NKKLK! Dahil kilala ko pa yung tindera! Pero mas malupit ang comeback ng Nanay  kong astig, "Hindi niyo ikayayaman 'yan." Tsaka ngumiti. Nakuha namin yung sobrang pera. At kinuwento sa 'kin ni Nanay na dati niya pa napapansin yun, palima-lima nga lang noon, ngayon may increase na kaya di na siya nakapagpigil.

Natawa na lang ako, lalo ng bumili kami ng sabang saging. Bata yung tindero, sa sobrang tagal magkwenta si nanay na ang nagbilang. Nkklk!

Mas nakakaloka ng mag-trike kami, yung sako ng bigas ang nakaupo sa loob, ako sa likod. Nagmamadali pa si manong, may huli raw kasi, so hayun untog ang tinamo ko sa sobrang lowered niyang trike na pang-toddler yata.

Paalala: If you don't want sarcastic answers, don't ask stupid questions.

Paano Ang Hindi MagbasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon