Non-fiction #991. Thank you guys! <3XXII. When you’re a CPA in the making
CPA in the making ako. Pero naloka ako ng makita ko yung sched ko. May klase ako ng 7:30 am hanggang 1:30 pm. Nkklk! Dahil isang subject lang ‘yon. O well, isa nga lang yun pero major subject ko yun sa course ko. Natawa na nga lang yung mga kasama ko sa reaksyon ko. Napasabi kasi ako ng, “Anong gagawin natin dito magdidikdik ng utak?” Oo, sinabi ko talaga ‘yon.
Pinakita ko kay Nanay yung sched ko habang nakapila kami sa bangko. Sabi ko kay Nanay, “Nay, aayusin ko na pag-iipon sa savings account ko basta ikuha mo na ako ng passport para makasama ako sa Hongkong next year.” Oo, ‘yon talaga ang sinabi ko.
Naiisip ko pa lang na six hours akong uupo sa isang klase e, sumasakit na ang pwetan ko. Sa susunod na tatlong taon wala ako summer vacation dahil may summer class na ako. And mom promised me na isasama ako sa Hongkong ng kapatid ko. Three days lang naman yun dahil maglliwaliw lang naman sa Disney lang. Hahaha!
Pero napaisip ako, hindi ko naman kailangan maging sobrang talino para makasurvive sa accountancy minsan kailan kong maging madiskarte. Hohoho!
Srsly, alam kong kaya ko. Malalampasan ko ito. Kahit na kinakabahan ako sa nagiintay sa akin. At magtatrabaho ako sa bangko kung saan kami laging nagwiwithdraw, ang gwapo nung clerk e. Ang pogi pogi! Pero feeling ko pogi rin hanap. Ah, basta! Magiging CPA ako kahit na mahirap, kakayanin ko. Kinaya ko ngang di maghapunan at mag-agahan ito pa kaya? Bring it on beybe!!!
Nakita ko na yung mga kaklase ko, yung topnotcher namin sa entrance exam e, kaklase ko! Alam na this!
Ah, basta mag-aadvance study ako! Nachachallenge ako! Shak! I will whip it!!!
PS. Sabi sa akin noong Guard ng makita ako e, wag daw akong hahanap ng pogi sa university dahil masasktan lang ako dahil pogi rin ang hanap. </3 Taragis!
PPS. Nakakaasar yung ID Picture, mukha kaming mga mandirigma. At least hindi amoy mandirigma! HAHAHA!
PPPS. 10:30 ako dumating nasa pinakadulo ako pero ngiting wagi ako ng paunahin ang BSA sa pila. Woah!
BINABASA MO ANG
Paano Ang Hindi Magbasa
Não FicçãoHindi naman lahat ng nakakabasa nakakaintindi, so paano ba ang hindi magbasa para makaintindi? © ubiquitous_stories