XIX. Pa-deep si Author.
I’ve joined Wattpad last November 13, 2012. Gumawa lang ako kasi trip ko lang. Gusto ko lang. Amp this, de naiinis na kasi ako sa maganda kong bespren e, sabi niya kasi gumawa na ako ng story. Dahil sa kanya gumawa ako. Siya ang #0 fan ko. Kahit noong unang pagsali ko e, wala akong masyadong readers natutuwa pa rin ako dahil nandoon siya palagi, giving me comments tapos sinisita niya pa ako kung bakit ganoon yung scene, ba’t ganito.
Ang totoo niyan kahit kailan hindi ako nag-promote ng story. I’m not being hambog, I’m saying the truth. Hinayaan ko lang na may makapansin nung story ko. In the first place, I am writing coz I want to. May ma-gain man akong reads o wala. Besides I’ve got my friend as my reader and kadalasan kritiko ko pa. But still, thankful ako sa sumusuporta ng stories ko. I love you guys to the moon and back. <3
Masaya ako na nadaragdagan yung readers ko, nagkakaroon ako ng followers at nang kaibigan. Hindi man kagandahan yung plot nung story ko e, proud ako na gawa ko iyon. It was an accomplishment. Biruin mo, halos dalawang oras (o higit pa) mong iisipin at itatype yun pero wala pang limang minuto babasahin ng iba.
Kaunti lang ang followers, votes at reads ko but it didn’t make me less as a person. Kasi alam ko na ginawa ko yung best ko, as long as I am expressing myself wala na akong mahihiling pa. And it takes a strong person to express one’s self, right?
Magkakaiba ang mga manunulat, iba’t iba ng perspective at ng personalidad kaya wag na wag silang pagkukumparahin.
A good story is always worth someone’s while. Kung iniisip mong hindi maganda ang istorya mo, cut that crap okay? Iniisip mo lang yun. Mayroong taong makaka-appreciate niyan.
Write from the heart. Wag na wag kang magsusulat kung gusto mo lang sumikat. I’ve joined writing competitions and I am hundred percent sure na kapag nagsulat ka ng mula sa puso may mararating ka. Nagchampion na ako! Kaya effective ‘yan!
Ano pa ba? Expect criticisms? Okay isama mo na ‘yan. Hahaha!
And be yourself. Do not sugar coat. Kung sarcastic ka ilabas mo!

BINABASA MO ANG
Paano Ang Hindi Magbasa
No FicciónHindi naman lahat ng nakakabasa nakakaintindi, so paano ba ang hindi magbasa para makaintindi? © ubiquitous_stories