XXIX. Why so random Torits?
Kamusta ang first sem ko? HINDI KO RIN ALAM!!! Charaught. So here’s my tip sa mga high school students: Enjoy your high school life. HAHAHA! Dahil pag dating ng college kulang na lang humingi ka ng extension sa pagtulog. Chauce. Seryoso na nga. Okay naman ang first sem ko. Havey. Tahimik lang ako (sa palagay ko pero mukhang hindi) sa klase I enjoyed my Polsci, Literature and Accounting class. Nabasag ang 2 months old kong tablet dahil sa documentary sa Sociology but man, I have pretty grades on that. Walastik si ma’am Socio, ni wala kaming reference, kapag exam hindi naman alam kung saang Poncio Pilatong libro kami maghahanap ng rereviewhin. But oh men! I ace her exam. Huhubels. At langya, ginawa akong utusan ni ma’am pinagsulat ako sa card ng HS students niya pero ang sweet ni ma’ma Socio, in fairness naman ‘anak’ ang tawag niya sa ‘kin and nung may sakit ako napaka-thoughtful. HAHAHA!
Ano pa ba? Hmm. Muntik na akong maluha sa Finals ko sa major ko. Accounting. </3 Man, 30 Theories, 35 problems lang naman! Pero kulang ang tatlong oras para sagutan ko ‘yun. But then, di man ako nag-ace, pasado ako. Kaya yung mga nagsasabi na masakit ang umibig, try niyo mag-accounting, one-sided love, minamahal ko naman pero ako yata e di minamahal. Charaught. Maganda rin ang grades ko roon kahit na bumagsak ako sa isang quiz. Nevermind na nga sumasama loob ko pag naaalala ko ‘yon! Pero mahal ko ang Accounting.
Nagrelease ng grades. Ayos naman pasok ako sa President’s List (I think) mataas ang GPA ko e. Yabang!!!! Yung Polsci ko nga lang di ako pinatulog. Alam niyo kung bakit? 3 days after nirelease yung grades biglang nabago! Pasalamat na lang talaga ko kay Lord dahil hindi ganoong kababa ang Polsci ko but still, I was disappointed. Polsci is one of my favorite subject e. Kung anong aral ko sa Accounting, ganoong din ang ginagawa kong aral dito. But then, ito ang will ni Lord. Pero ang sakit pa rin para akong sinabihan ng I love you pero ang ibig sabihin pala e I hate you.
Ahm. Ano pa ba? Ang dami kong gustong ikwento. Ah yung opening ng PBA sa Bulacan. Kanina nadaan kami roon. Alam niyo ba na dapat manunuod ako roon? Kaso di ako natuloy, dahil may practice kami sa choir. Ang ganda pa naman ng seat ko. Yung VIP. Kitang kita ko tiyak ang kagwapuhan ng mga Bebe ko. Nanalo naman ang Ginebra e. Hayaan na. At nanalo rin sila ngayon! Tambak ang KIA!!!!
Yay! Tapos ko na palang basahin yung Theodore Boone Series na nung Summer ko pa inumpisahan. It was a great read! Napahusay talaga ni Pareng John Grisham sa usapang korte. Ngayon ang binabasa ko e yung “The Firm” CPA Lawyer yung bida. HAHAHA. Balak kong maging ganun e. Atty. Toritey, CPA. Astig nuh? Back to Theodore Boone, basahin niyo yun ha? Sana maging movie yun. Thirteen years old lang ang bida pero gosh, nahiya ako sa dami niyang alam tungkol sa batas. At speaking of movie, I heard na magiging movie yung “Para sa Hopeless Romantic” at maraming bumatikos hashtagsavethephilippinemoveindustryraw. Anyways, nabasa ko yung book na yun out of curiosity na rin dahil ang daming not-so-good-comments sa author nitong si Marcelo Santos III na nandito rin pala sa WP. Ang daming nag-exist na Marcelo, si Fourth, si Fifth at Seventh yata? Wala akong makitang Sixth e. #SaveLiterature naman sila. Again, I read the book at nalungkot ako. You could see it for yourself para malaman niyo kung bakit ako nalungkot matapos ko itong basahin. (or I would do another entry for my mini review)
Birthday ng Ate ko bukas. And Dad is so galante today! Binili niya ako ng bagong running shoes. Gosh, fire pink. OMG. Ang ganda talaga promise! And I think it was destined for me dahil last pair na ‘yun at saktong sakto sa paa ko. HAHAHA. Naholdap ko raw ang Pulis. Tapos sabi niya bago kami pumunta sa mall kanina na utang ko raw ‘yun kasi I was expecting some moolah dahil ako ay isang iskolar. Isa po akong iska. Though, I’ve got a pretty stable family income sayang naman di ba? I am aiming to graduate with flying colors at may policy sa department namin e. May tamang grade para manatili sa course mo. So kung magmamaintain din naman ako ng grades why not grab the opportunity? Sayang ang utak ko. HAHAHA!!! At I insist na regalo yun at di utang. Charaughtero ang tatay ko.
Hindi ko mabuo yung thought nitong kwento ko ang random e, bukod sa hindi ko na-greet yung crush ko nung 21 kasi 18th birthday niya e, ang dami kong gustong sabihin. HAHAHA. Malakas yata ang tama ko sa lalaking ‘yun. Baka ginayuma ako noon ah. Lintek. Imagine, I’ve been into him since high school. Kdot. Tsaka lagi akong nagtataka! Bakit yung 21 e laging nakadikit sa ‘kin. May friend ako na parang lalaking version ko. Noong 21 e, birthday niya tinext ko naman tapos tumambay ako sa FB kong di na naka-deactivate at nakipagkulitan sa mga kaklase ko. Imagine I’ve got all the opportunity on Earth to greet him pero wala!!!! Meh, I don’t know. Huhuhu. Online kasi yung mga friends kong bwiset, at tiyak irarak nila ako kapag nakita nila akong nagpost sa wall nun. Naiimagine ko na talaga, pramis mga sabog yun e. Pati tiyak mga teachers namin makikisali dahil patok ang labtim kuno namin sa kanila. So for the sake of my sanity, di ko na tinuloy siguro next year na lang. At yung student number ko pala e may 21. ****-^^^21-&*-O. Nagkakilala kami nung bestfriend ko ng August 21. HAHAHA. Anong meron sa 21 bukod sa ang mahal ng dress sa Forever 21? At wala ng Air 21 sa PBA dahil pinalitan na ng NLEX Road Warriors? At Bakit Forever 21? Ibig sabihin meron na talagang forever? Ano raw?
Final words. Ang random ko ngayong araw. Pagpasensya niyo na di ko kasi nabili yung Keds na gusto ko e. HAHAHAHA!!!
Final words again. Mag-aral kayong mabuti ha? Study smart mga bata. At nagmagaling ako. Gawing habit ang pagbabasa dahil sa college ikaw ang bahalang magturo sa sarili mo. Okay? Suportahan niyo rin ang PBA, arasso? Habang naghihintay sa release ng book ni BO, magdasal kayo. Yun lang mahal ko kayo.
Osya sige, ako’y matutulog na maaga ang mass bukas.
![](https://img.wattpad.com/cover/8126680-288-k928654.jpg)
BINABASA MO ANG
Paano Ang Hindi Magbasa
Literatura FaktuHindi naman lahat ng nakakabasa nakakaintindi, so paano ba ang hindi magbasa para makaintindi? © ubiquitous_stories