XXVI. College na talaga ako!
Isang buwan na akong pumapasok sa University pero ngayon ko pa lang tuluyang na-absorb na college na ako. Amp. Namiss ko iyong mga ginagawa ko noong high school. Nostalgia. July na, ibig sabihin Nutrition Month na sa school na pinanggalingan ko. Pag ganito, gumagawa kami ng mascot at jingles. Nagkakasubukan din ng pasensya dahil sa ibang ayaw umayos. Hay.
Anyways, bago pa ako tuluyang maluha e, magkukwento muna ako. June 11 noon, around 11 am ng umuwi ako kasi four pa ang susunod kong klase. Habang naglalakad e, may nakasalubong ako, nginitian niya ako nagulat ako nung tanggalin niya yung shades niya! OMG! Yung crush ko!!! Waaaah! Ang saya lang kasi kilala niya pala ako. Tapos umuulan noon, may nakasabay akong isang matandang lalaki at babae, ako lang pala yung bagets doon sa jeep. Pinagtatalunan nila yung schedule ng pasukan. Sabi ni Lolo, noong panahon daw noong tatay ni Gloria e, ipinatupad na iyong August ang pasukan. Napangiti na lang ako. Kahit naman kasi ilipat, literal na isang taon pa rin ako papasok dahil Accounting student ako.
Wala kang karapatang maging tamad kung BSA student ka.
So hayun, naabsorb ko na ang katotohanan. And I felt a bit pressured. O ako lang ang naglalagay nito sa sarili ko? Hindi ko alam. Pero badtrip talaga ako mag-aral, I won’t stop hanggang di ko nasasagot or naiintindihan. Nagkaroon pa ng activities. May time na hindi ako pumasok dahil inayos ko yung powerpoint, I was really frustrated kasi sira iyong laptop at wala akong mahiraman. Napaka wrong timing naman. Naiiyak na nga ako, actually naiyak talaga ako. I felt down. Wala e. Makikilala mo talaga kung sino yung kaibigan mo sa ganoong pagkakataon. Tapos nag-announce na walang klase, edi hayun ang saya ko! Tapos biglang binawi fifteen minutes bago mag-start yung klase na yon. E, hindi nga ako pumasok. Ang lakas pa ng ulan. Tinawagan ko yung Prof namin, and I was crossing my fingers dahil kahit liparin ko iyon e, hindi talaga ako makakaabot. Tinakot niya pa ako na kapag hindi ako nakapasok e, matic na zero kami sa reporting 25% iyon ng grades namin. Kahit umuulan pumasok talaga ako at pagdating ko nagulat ako sa text sa akin ng prof, “I will be meeting your class today pero postponed muna ang quiz and reporting.” ANG LAKAS LANG MANGTRIP!
Tinest pala ni Mam ang aming obedience. Ang motto niya kasi e, “Obedience leads to blessing.” Napangiti na lang ako. Malakas talaga ako kay Lord e, kahit hindi mismo yung hiniling ko yung nangyari e, naging pabor pa rin sa akin ang naganap. Hindi naman kami nagklase, nagpa-attendance lang. Iba talaga ang mga ways ni Lord! Nga pala, bumili akong libro iyong “Pass or Fail: Paano Maging the Best Student Ever” ni Ronald Molmisa. Swear ang dami kong natutunan. We should not only study hard but also study smart and put God on the center of our lives.

BINABASA MO ANG
Paano Ang Hindi Magbasa
Документальная прозаHindi naman lahat ng nakakabasa nakakaintindi, so paano ba ang hindi magbasa para makaintindi? © ubiquitous_stories