IV. Fangirling Barangay Ginebra San Miguel
Oo, isa akong kabarangay. Fangirl ako ng basketball imbes na mga k-pop na patok sa mga kabataan ngayon. Bukod kasi na sobrang crush ko si Chris Ellis baby eh, may something sa team na ito na di ko ma-explain. Ginebra Magic. From my lolo, to my tatay even my sister bet na bet namin ang BGSM, dunno why, tinry ko minsan na manuod ng laro ng ibang teams pero may kulang. Pag Ginebra kasi 'yung naglalaro sobrang excited ako. 'Yung tipong maaga akong uuwi para makaabot sa telecast at marinig ang sabi ni Magoo na "LA for three!!! BANGGGG!!!" Hindi ako nakikiuso lang, I love this team so much na kahit natatalo sila it was fine with me, though, may epekto sa 'kin 'yung mga pagkatalo nila na nung Game 7 ng Philippine Cup eh, naiyak ako. Okay lang. I love Ginebra. Manalo matalo, Ginebra ako.
This team taught me that never say die attitude. 'Yung tipong kahit 0.0001% na lang ang chance eh, kumakapit pa. Sabi nga nila, pag crucial point na lalo silang humahataw. I've remembered their game with Meralco, if I'm not mistaken last December 30 'yun. Sobrang tight ng laban, lamang ang Meralco ng 5 points under one minute na lang, nasa mga 50 seconds na lang, eh yung timer pa naman ang bilis na kapag nag-under one minute. I was so nervous that time, buti na lang may pamatay oras pang time out. Last 30 seconds, nag-timeout si Coach Ato, tapos may inexplain na game, basta ang dinig kong sabi niya "LA, give the ball to Japeth." 'Yung game na 'yun di man pang-finals dahil elims pa lang para ng pang-championship. Revenge game 'yun dahil natalo sila ng Meralco sa mga unang game, considering that they're the number one seed. They executed the game very well, yung buzzer beater na tres ni Japeth ang nagpanalo sa team. Napa-thank you Lord ako!!! 'Yung feeling na naka-100 ka sa exam sa Trigo, ganoon 'yung feeling ko kapag nananalo Ginebra. When you say Ginebra, di naman alak ang pumapasok sa isip ng karamihan, alam mo kung ano? NEVER SAY DIE 'YAN.
Alam ko naman na other people won't see this team the way that I see them. May iba't iba kasi tayong pananaw. Pero ito lang ang masasabi ko, ang buhay parang basketball game either you win or lose you should give your 101% effort. Why? Dahil bilog ang bola. Minalas ka ngayon, okay lang 'yan, may mas maganda pang opportunity para sa'yo. Basta, Ginebra fan ka man o hindi, always have that never say die attitude because those people who never give up, are the people who will be bless by God. Hardwork is something that we can't buy in a convenience store, it's something that we should earn.
Okay? GINEBRA!!!! <3
BINABASA MO ANG
Paano Ang Hindi Magbasa
Non-FictionHindi naman lahat ng nakakabasa nakakaintindi, so paano ba ang hindi magbasa para makaintindi? © ubiquitous_stories