Lesson 23

113 2 0
                                        

Non-fiction #723

 

XXIII. Fun facts about my stories

If you happen to read my novels you’re going to laugh when you’ve read this one. My first story, Naniniwala Ka Ba Sa Signs? It’s not really my idea. May crush kasi ako noon at feeling ko mas crush yun ng mga kaibigan ko. They were crazy dahil may mga sign pa silang nalalaman. If that thing happen, kayo talaga. And sinabi pa nila sa akin, “Naniniwala talaga kami na kayo ang magkakatuluyan.” Pamura lang ng isa ha? Nakakagago. Sinong maniniwala roon? Ghad. Hindi naman  sa pessimist ako, I am just being realistic. May mga sign sila at pinagtutugma iyon and one day they told me, “Bakit hindi ka magsulat tungkol doon?” And that is the birth of my very first story.

Actually ang pangalan ng bidang lalaki roon e, sinunod ko sa pangalan ng crush ko. WAHAHAHA! Bakit ba? Gusto ko lang! he’ll never know naman unless sabihin ko sa kanya. He should be proud pa nga, nakilala siya ng iba through my precious writing.

Yung pangalan naman ng bidang babae ay Miranda Helene dahil una, fan ako ni Miranda Cosgrove. Yung second name na-overheard ko lang, it was a cute name.

Actually yung mga pangalan ng characters sa novel na ‘yon e, on the spot ko lang inisip. Yeah. Minsan lumilinga pa ako sa bahay para maghanap ng pangalan. Buti nga hindi ko naisipang pangalanan ng Konka e.

Actually binalak kong burahin ang kwentong iyon pero I changed my mind dahil gusto kong makita kung may improvements ako sa pagsusulat.

Sa pangalawa ko namang kwento ang “Drama ng Buhay” actually kaya ko ‘yan sinulat dahil gusto kong magkaroon ng character na Apple ang pangalan. Ang bida sa kwento na ‘yan ay si Apple or Apolinary Champagne Santiago. Not gonna lie, when I’ve started writing it I was watching PBA kaya ganyan ang pangalan at obviously Ginebra ang naglalaro. May pattern akong sinundan e. Basta, ang business kasi nila ay isang franchise ng beverages kaya ganoon ang second name niya. Yung first name pangalan ng bayani na pinasosyal ko, from Apolinario Mabini.

Yung kay Dylan naman bukod sa nagagwapuhan ako sa pangalan na ‘yan e. Tuwang tuwa ako kay Dylan Ababou ng Ginebra jersey #33 dahil magic bunot siya noong game na ‘yon. Dylan Jose Garcia.

Munshunga lang ang etymology ng pangalan nila. Sa tingin ko, ang kwento na talagang pinagisipan ko ang pangalan ay ang “Nakakapagpamurang Kamalasan” I did some research bago ko isulat iyon dahil I want to write something na masasabi kong hindi puro pa-cute at patweetums. I want it to be known as something na pinoy na pinoy ang dating.

Ang pangalan ng bida roon ay Jaworski Lakandula. Just so you know, Jaworski, from the name of a former senator in our Republic and of course, a PBA Legend. Hindi halatang fan ako ng Ginebra no? Kung akala mo si Asiong Salonga ang Hari ng Tondo nagkakamali ka dahil ang apelyido ni Jawo mula sa Lakan Dula, ang tunay na Hari ng Tondo. At ang kwentong ito, ang unang pagkakataon na sa point of view ako ng isang lalaki magsusulat.

Pag may time basahin mo na rin!  Thank you!

Paano Ang Hindi MagbasaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon