Lesson 17

109 3 5
                                    

XVII. Crush 101

Alam niyo yung feeling when someone is caring for you? Yung hindi mo inaasahan? Nakakatuwa. It was heart-warming.

Nag-exam ako sa isang University and fortunately, nakapasa ako. I’m way to go on being a CPA. I’ve got a fella, fella talaga? Crush ko siya noong nasa elementary ako (what? Lahat tayo may crush kaya wag mo kong sasabihan ng ‘m’ word diyan masasapak kita!) he’s two years ahead sa akin.

Piyanista siya. And I really like guys na musically inclined, mahilig kasi akong kumanta and I can play musical instruments, too. Close sila ng nanay ko. Pero ako? No. No. Kilala ko siya, and siya rin kilala niya ako. He’s not a snob naman so when he sees me, nagtatanguan lang kami. Wala talagang conversation. Tinalo pa namin ang pipi. Though, when I was in second year tinuruan niya akong tumipa sa piano. He’s actually cute. Gwapong gwapo ako sa kanya tapos matalino pa at talented. You know? The typical guy every girl wants.

Back to the University talk, yes, I’ve passed. Nakita ko yung results online. Pero nasurprise ako noong hapon, pag-uwi ng lola ko. Sa University rin na ‘yun siya nag-aaral. Tapos noong makita niya yung lola ko sa simbahan e, sinabi niya na nakapasa ako. Natuwa naman ako, so he got time to check the list of the passers? Nagtataka ako. I’ve never heard him say my name. Nickname ko naman ang madalas itawag sa akin ng nanay ko pag kasama siya. So how’d he know my name? Inaasar ako ng mga lola ko, pareho pa raw kami ng course.

Tapos kumanta kami sa kasal. Siya yung tumugtog. Nag-uusap sila ng nanay ko, nagulat na lang ako ng kausapin niya ako. “Taas ng grades mo ah.” Hindi ako nagsalita, just nod at at him. Hindi kasi kami talaga close.

Nagpipirmahan na lang ng marriage contract, tumutugtog siya ng love songs. Wala siyang piyesang tinitignan. Nakakainis nga e! Bakit ang galing niya? Amp. Tumugtog siya noong Panunumpa. Napakanta ako bigla. Tapos napatingin ako sa kanya tapos nakatingin siya sa akin. So, hindi muna ako kinilig okay? Kunyari di ko siya nakita. Amp. Tapos hindi ko kabisado yung kanta e di ang nangyari para akong gutom, kinakain ko yung lyrics tapos napasalita ako, “yun ba talaga yung lyrics?” Tapos tumawa siya. Pero tumutugtog pa rin kahit mali-mali yung lyrics ko. Hahaha! Nkklktlg!

Pero hindi ako umaasa sa kanya. Crush ko lang siya at nakakatuwang isipin na mayroon siyang concern para sa akin. We better off friends. Chauce!

 

 

Paano Ang Hindi MagbasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon